Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Ruben ng PBBCE2 nega ang dating at over sa kaartehan

Author: Chan-Chan Torres
Column: Eksenadora

Bagama't nagwagi bilang Big Winner si Ruben Gonzaga sa Pinoy Big Brother nu'ng nakaraang Big Night nito, marami ang nadismaya sa ipinakitang kaartehan ng stand-up comedian mula sa Davao City.

Sayang, negatibo agad ang impresyon ng tao kay Ruben. OA kasi ang dating ng lalaking ito nu'ng mga nakaraang araw sa PBB, halatang naku-conscious na siya at mukhang knows niya na malaki ang lamang niya kaya ganoon lang kung magpapogi.

Panay ang talon at sigaw ni Ruben. Ginagaya pa niya ang pag-umingles ni Riza Santos na hindi naman bagay.

Ano ba 'yan?

Kaya naman hindi kami nagtataka kung hanggang ngayon ay mas maraming may gusto na si Gaby dela Merced ang sana'y naging Big Winner.

May breeding, may disiplina at achiever na bago pa man din pumasok sa Bahay ni Kuya ang atletang ito.

Eh, kaso mas marami ang bumoto kay Ruben. Sympathy votes matter talaga kung kaya't hindi rin puwedeng ismolin ang botong nakuha ni Ruben, huh.

Well, kung gustong mag-artista nitong si Ruben kagaya ng halos lahat ng PBB winners in the past, he has to learn the art of acting naturally.

Para naman hindi maging OA ang dating niya. Kasi 'pag OA ang dating, kaiinisan ka lang. Hindi kasi magandang tingnan lalo na sa isang komed-yante ang maging OA sa akting.

Samantala, mukhang tuluy-tuloy naman ang ligawan portion nina Will Devaughn at Riza Santos at may continuation pa ang love affair nila after ng na-udlot na aminan sa PBB house.

Tinanong si Will sa isang panayam kung meron siyang gustong makilala pa ng lubusan? Walang iba kundi si Riza ito.

Hmmn, kaya pala ganoon na lang ang pagkaimbiyerna ni Ethel Booba kay Riza . Super type ni Ethel si Will, pero mas interesado si Will kay Riza.

Friends sina Mariel at Ethel kaya nakikisimptaya si Mariel sa komedyana. Bongga ang mga eksena, di ba?

* * *

Ayaw na sanang mag-comment ni Valerie Concepcion tungkol sa pagbubuntis ni Jennylyn Mercado pero amin pa rin si-yang tinanong tungkol sa bagay na ito.

Single mom si Val kaya ganoon na lang kalawak ang pang-unawa niya about this.

Nilinaw ni Val na hindi niya mismo kay Jen nalaman ang tungkol sa pagbubuntis ng aktres kundi nabalitaan niya rin ito mula sa ibang tao.

Aniya, nagulat man daw siya ay nirerespeto ni Val ang kalagayan at anumang desisyon ni Jen.

Aminado rin si Valerie na hindi siya ganoon ka-close kay Jen . Kay Angel Locsin daw siya malapit at katunayan kumare pa niya ang aktres na kakalipat din sa Dos.

Basta ang sinabi lang ni Val, na sana sa kabila ng mga isyung naglalabasan ngayon tungkol sa pagbubuntis ng isa sa alagang artista ni Ms. Becky Aguila, hindi maging negatibo ang dating ng lahat kay Jen. Dagdag pa ni Val, nu'ng mangyari din daw ito sa kanya noon ay naging matatag siya.

She took everything positively kaya ngayon ay isang inspirasyon na maituturing ang baby girl ni Val at pinagpapasalamat ng batang aktres ang lahat ng biyaya na meron siya ngayon.

* * *

Habang tinitipa namin ang kolum na ito ay palabas ang The Susan Roces Collection-Patayin sa Sindak si Barbara sa Primetime Bida ng Dos.

Sa totoo lang, sa press preview ay super nakatutok kami pero on national TV ay hindi kami masyadong tumitingin dahil nakakatakot talaga ang mga eksena.

Ibig sabihin ganoon ka-convincing ang pagkakagawa nina Jerry Sineneng at Gilbert Perez ng Sindak at tinaob nito maging ang napanood naming movie version ni Lorna Tolentino, huh?

Gaya ng sinabi ni Ms. Susan Roces, this is an updated version at pati ang special effects ay hindi rin nagpahuli. Kinabog nito ang mga horror movies na halatang mascot ang gumagalaw.

Kalokah!

Kahanga-hanga ang pagganap nina Susan Roces,Kris Aquino, Albert Martinez, Celine Lim, Eva Darren at Jodi Sta. Maria rito sa Sindak. Proud si Tita Susan sa pagkakasali niya sa TV version ng pelikulang minsan niyang pinagbidahan.

Patatalbog ba naman si Chelsea? Hindi, noh. Tatakutin niya kayo, gabi-gabi. Hala!

Source: Taliba