Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Rubirubi on being compared to Pokwang: "Iniisip ko na lang, hindi ka makukumpara sa isang tao, kung hindi mahusay yun."

May takot si Rubirubi sa comparisons na hindi maiiwasan lalo na sa larangang pinasok niya. Napakarami na ngang naglipanang komedyante sa showbiz ngayon. Iilan din lang talaga ang umaangat, at mukhang si Rubirubi ay unti-unti nang napapansin. "Seryosoh...

 

Rubirubi on being compared to Pokwang: "Iniisip ko na lang, hindi ka makukumpara sa isang tao, kung hindi mahusay yun."

"Bakit ako magsasalita ng hindi maganda tungkol kay Pokwang, e, hindi ko pa naman napapanood na mag-show siya. Naririnig ko lang na magaling siya sa live. Sina Ai-Ai at Eugene kasi, matatagal nang artista, at napapanood ko ang mga pelikula nila at TV show

Author: Archie de Calma


May takot si Rubirubi sa comparisons na hindi maiiwasan lalo na sa larangang pinasok niya. Napakarami na ngang naglipanang komedyante sa showbiz ngayon. Iilan din lang talaga ang umaangat, at mukhang si Rubirubi ay unti-unti nang napapansin.

"Seryosohan na ito dahil pumirma na nga ako ng managerial contract with Manny Valera," sabi pa ni Rubi. "Wala nang atrasan. Kasi, part na yun ng career ko. Palagay ko, kasama na 'yang mga intriga at pagku-compare.

"To be honest about it, matagal bago ako nag-decide na mag-showbiz talaga. Dati-rati, puro lang ako sa comedy bar, 'di ba? Okey na sa akin ang ganito kasi, bread and butter ko na 'yun. Marami namang raket sa corporate shows, e.

"Grabe na nga ngayon dahil kasama na ako rito sa taping ng Dyosa. Maaga nag-uumpisa ang taping. Matatapos, umaga na rin ng next day. Ang ganda, 'di ba? Hindi naman ako nagrereklamo. Happy nga ako, e," nangingiting dugtong pa ng mahusay na komedyana.

Hindi na naaasikaso ni Rubi ang pagku-comedy bar. Sumasalang siya regularly noon sa 22nd Street sa Marcos Highway, pero ilang araw na raw siyang hindi nakasisipot dahil nga sa taping niya ng Dyosa.

RUBIRUBI LIKES. Nang tanungin si Rubirubi tungkol sa kung sino among other female comedians ang nagugustuhan niya ang estilo, hindi niya ito nasagot agad.

"Mahirap kasing mag-pinpoint ng isang mahusay lang talaga," aniya pa. "Hindi sa nagpe-playing safe ako. Siyempre, kung hindi mo paboran yung isa, maiimbyerna naman yun.

"Pero, sa kanilang lahat, gusto ko talaga, si Ai-Ai [delas Alas]. Seasoned na kasi siya. From simple roles, nag-evolve din siya.

"Ganoon din si Eugene Domingo. Maganda ang training niya sa teatro. Dati kasi, napapanood natin siya, nagse-serious drama. Pero, nang mag-comedy, magaling naman talaga."

POKWANG IS WHAT? E, si Pokwang na gumagawa na rin ng ingay ngayon?

"Tingin ko lang, sa ibang aspects kasi, parang hindi pa. Si Pokwang kasi, more on live shows siya.

"Uy, iniintriga ninyo ako kay Pokwang, ha?" tili ni Rubi.

Kasi, obvious naman na among those she mentioned, hindi masyadong favorable ang nasabi niya kay Pokwang.

"Naku, hindi naman ganoon! Ask ninyo kasi ang opinion ko, e. Hayan na! May mga write-up kasi sa akin na ganyan noon, kinukumpara ako kay Ai-Ai, kay ganito, o ganyan. For sure, 'yang sinabi ko kay Pokwang, baka gawing issue pa.

"At saka bakit ako magsasalita ng hindi maganda tungkol kay Pokwang, e, hindi ko pa naman napapanood na mag-show siya. Naririnig ko lang na magaling siya sa live.

"Sina Ai-Ai at Eugene kasi, matatagal nang artista, at napapanood ko ang mga pelikula nila at TV shows. I'm sorry, kay Pokwang talaga, wala pa akong napapanood. Hayaan ninyo't 'pag nagka-time ako, papanoorin ko ang gigs niya, at saka na ako magku-comment.

"Naku, ayokong magtaray kay Pokwang, ha? Paano pa ako maggi-guest sa Wowowee! kung ookrayin ko siya," natatawang sabi na lang ni Rubi.

COMPARED TO POKWANG. Okey lang kay Rubi na maikumpara siya kay Pokwang. Nariyan na rin lang 'yan.

"Iniisip ko na lang, hindi ka makukumpara sa isang tao, kung hindi mahusay yun. Parang sasabihin, 'Ay, lasang imported!' Ano ba ang imported? Siyempre, yung masarap.

"Kung naikumpara ka sa imported, ibig sabihin, masarap ka na rin. Ganoon na lang 'yun. Besides, hindi pa naman kami magkakilala ni Pokwang," nasabi na lang ni Rubi

Source: Philippine Entertainment Portal