Mar 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Rufa Mae: Di ako nag-walk-out sa concert ni Erik

Author: Ricky Calderon

Binisita namin ang website ni Sharon Cuneta at may mensahe ang megastar sa kanyang mga fans which she wrote matapos ang kanyang huling concert sa Vancouver, Canada last October 8.

Ang una niyang concert ay ginawa sa Calgary at ang ikalawa sa Edmonton. Kahit na pagod, nagawa pa rin ni Sharon na gumawa ng sulat para sa kanyang mga fans. Masaya si Sharon sa naging pagtanggap sa kanila ng audience sa Canada.

Straight back to work si Sharon pagbalik niya ng Manila. Nag-start na siyang mag-shoot ng bago niyang movie (first since Crying Ladies and my pregnancy with and delivery of Miel ) under Star Cinema, entitled Caregiver).

Hindi raw ito ang movie na dapat gagawin nila ni Aga Muhlach sa London. Kailangan daw na banggitin niya ito dahil marami ang nag-aakalang ito ang movie na dapat gagawin nila ni Aga. Pero ito ang unang movie niya under Chito Roño.

Matagal na raw niyang gusto makatrabaho sa pelikula si Direk Chito. In fact, since 1992, nang maka-grand slam si Lorna for Narito ang Puso Ko, nagwi-wish na ang megastar na makatrabaho ang premyadong director.

Caregiver will take Sharon to London and Prague for a good two to three weeks of filming also. Pero may filming din sila dito sa Maynila at sa Pampanga nang ilang linggo bago sila lumipad patungong Europe.

Sharon is asking for prayers kasi may sakit siya. May trangkaso siya and has a case of bad cold. Nakansela tuloy ang taping niya noong Lunes at ang taping ng commercial niya last Tuesday.

Sabi ni Sharon sa text niya sa amin, mas gusto na raw niya na magkaroon ng lagnat na 40 degrees at malagyan ng suwero kaysa magkaroon ng ubo.

Get well soon, Sharon!

* * *
Hindi nag-walkout si Rufa Mae Quinto sa concert ni Erik Santos noong Biyernes sa Araneta Coliseum.

Hindi nga lang daw tinapos ni Rufa Mae ang concert at pumunta na siya sa agad sa dressing room ni Erik sa backstage para doon hintayin ang ex-boyfriend.

Hindi raw siya na-offend kahit na hindi na-acknowledged ni Erik ang kanyang presence. Hindi rin daw siya naimbudo kay Ai-Ai delas Alas kahit na inokray-okray siya nito sa spiels ng comedy concert queen.

Masaya pa raw nag-usap ang tatlo sa dressing matapos ang concert.

* * *
May Red Carpet premiere sa SM Megamall Cinema 10 ngayong Huwebes ng gabi ang critically-acclaimed film na Ataul For Rent na pinagbibidahan nina Joel Torre at Jaclyn Jose. Ito ay dinirek ni Neal "Buboy" Tan.

Maging si Direk Buboy ay nagulat sa A-rating na ibinigay sa Ataul For Rent ng Cinema Evaluation Board.

Siyempre, very inspiring ito para sa director dahil sa tagal niya sa pagdidirek, first time niya makatanggap ng ganitong klaseng pagkilala sa kanyang pelikula.

Kaya naman di kami magtataka kung magkaroon ng sequel itong Ataul For Rent dahil malamang na maging inspirado ang producer na sundan ang obrang ito dahil sa magandang pagtanggap ng mga kritiko.

Source: Taliba