Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Rufa Mae P30M ang presyo ng pag-ibig

Author: Gary Sta. Ana
Column: Palaban

BATIKOS ng mga eletis-tang inggit kay Direk Carlo J. Caparas, napulitika ang National Artist award.

May nagtanong tuloy na isang TV host kay Direk kung tatakbo ba siyang senador sa 2010 elections.

"Kung ganyang pini-pulitika nila ako baka mapi-litang akong tumakbong Senador. Alam naman ng lahat na marami tayong natulungan at mga tinutulungan pa," ani Direk Carlo Caparas.

Sa movie titled Sa Ngalan ng Busabos, isang makabuluhang pelikula ang pagsasamahan ng Pambansang Kamao (Manny Pacquiao at Pambansang Alagad ng Sining (Carlo J. Caparas).

* * *

BALITANG may nagbi-gay ng worth P30 million na townhouse kay Rufa Mae Quinto.

Foreigner daw ito at masugid na nanliligaw kay Rufa Mae. This year lang nagkahiwalay sina ni Rufa Mae at American boyfriend, pero may foreigner na namang ardent suitor ang byuti ni Rufa Mae. At tuwang-tuwang ang aktres-komed-yana dahil this time, tipong P30M ang halaga ng kanyang pag-ibig.

Hindi naman ito naka-pagtataka dahil seksi't maganda ang dating That's Entertainment member. Pero, sa pagkakaalam namin na mga relasyon ni Rufa Mae, karamihan ay panandalian lang.

Sa basketball player na si Rudy Hatfield lang yata nakatagal ang byuti niya.

Hindi lang namin alam kung si Rufa Mae ang walang suwerte sa pag-ibig o ang mga lalaking nakaka-relasyon niya.

* * *

MARAMI ang naniniwala na number one noontime show pa rin ang Eat Bulaga kahit may mga intrigang "pinalalayas" na ito ng Kapuso Network.

Aminado naman ang GMA-7 na kapag nawala sa kanila ang Eat Bulaga, mahihirapan ang Siyete na humanap ng pantapat sa Wowowee ng ABS-CBN.

Ang Eat Bulaga ang nakapagtaob ng mga noontime show ng ABS-CBN, hanggang pumasok sa eksena ang Wowowee na nakikipagpukpukan sa show nina Tito,Vic and Joey.

Tulad ng Wowowee, marami ring natutulungang mahihirap na kababayan natin ang Eat Bulaga.

Ang pagkakaiba lang, mas naaaliw sa EB ang mil-yun-milyong televiewers sa tanghali dahil sa husay mag-host nina Tito, Vic and Joey.

* * *

SIXTY eaight congressmen ang natulungan ng Teacher Partylist na si Cong. Mariano U. Piamonte Jr.

Karamihan ng tulong niya sa kapwa kongresista ay ang pagpapatayo ng ba-gong classrooms sa kanilang nasasakupan.

Kaya naman tuwang-tuwa ang mga kasamahan ni Cong. Piamonte sa mga proyekto niya.

Isa na rito ay si 2nd District Caloocan Cong. Mitch Cajayon.

Napakahalaga kasi ng edukasyon sa alinmang bansa.

Kaya naman edukasyon at kapakanan ng aktibong mga guro, maging 'yung mga retirado na, ang isinusulong ni Rep. Piamonte.

Kamakailan lang ay na-kasabay ni Cong. Piamonte sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa Davao City at humanga ang kongresista sa dalawang artista.

Mababait daw ang mga ito.

* * *

ILAN sa members ng Viva Hotbabes ay kung saan- saang maliliiit na club na lang sa Angeles City nagso-show.

Pinapatulan na nila ang mga barya-baryang talent fee dahil wala silang trabaho sa TV man o pelikula. Wala naman kasing ginagawa pelikula ang Viva Films sa nga-yon.

Pero, 'di ba nakakasira sa pangalan ng kanilang mother movie outfit ang 'pagkakalat' ng ilang Viva Hot Babes?

Source: Taliba