|
|
| Rufa Mae Quinto admits breakup with foreign BFAuthor: GMANews.TV MANILA, Philippines - Inamin ng sexy comedienne na si Rufa Mae Quinto na break na sila ng kanyang American-Mexican boyfriend na si Bobby Lopez. Sa Chika Minute portion sa GMA News' 24 Oras nitong Huwebes, sinabi ni Rufa na noong isang linggo lang niya binasa ang break up letter na ini-email sa kanya ng dating nobyo. "Wala namang choice di ba? Kung wala naman OK lang. Alangan namang pilitin ko ang isang bagay na hindi naman para sa akin," pahayag ng aktres. Sa kabila ng kanyang back-to-zero na lovelife ay masaya pa rin naman siya dahil daw maraming blessings ang dumaraming sa kanya. Isa na rito ang kanyang movie na "Singles" kung saan kasama niya rin ang mga kapwa zero ang love life na sina Angelu de Leon, LJ Moreno at Mark Bautista. Sinabi ni Angelu na matagal na siyang walang karelasyon pero nag-e-entertain naman daw sya ng mga manliligaw. Si LJ naman, noong December last year pa raw nakipag-break sa kanyang boyfriend, habang si Mark ay three years ago pa huling nagkaroon ng girlfriend. Sa kabila ng balik zero na love life, sinabi ni Rufa na tuloy ang ikot ng buhay para sa kanya. Bukod sa movie at mga TV projects, abala ang seksing aktres sa kanyang bagong bahay. Ang dati niyang bahay ay nabili ng kanyang kapwa Kapuso star na si Iza Calzado. "In fairness mahal ko yung property at the same time love ko rin si Iza kasi kaibigan ko sya. At least mapupuntahan at madadalaw ko pa rin (ang bahay)," ayon kay Rufa. Sinimulan na rin daw nito na maglipat sa kanyang bagong bahay at bumili ng mga bagong kagamitan. "Para bago lahat. Bagong buhay, bagong love life, bagong kama! Lahat brand new this coming 2009," pagtatapos niya. - Fidel Jimenez, GMANews.TV Source: GMANews |