|
|
| Rufa Mae Quinto counts blessings, leaves negative issues of 2008 behind![]() Author: Ruel Mendoza Ngiti ang naging salubong ni Rufa Mae Quinto sa pagpasok ng 2009. Kesa naman daw iyakan pa niya ang mga nangyari sa kanya sa huling part ng 2008, lalabanan na lang daw niya ito ng matamis na ngiti at halakhak. Ibang-iba na ang aura ni Rufa Mae dahil wala na ang bakas ng kanyang lungkot noong huli siyang nagsalita sa Showbiz Central last Sunday, December 28, tungkol sa pagkakadawit niya sa breakup nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho. Tama na raw ang lungkot at luha. Maging happy na lang daw ang lahat sa bagong taon na ito. "Naku, ayokong sirain ang pagpasok ng taon sa mga taong hindi ko naman close, di ba?" sabi ni Rufa Mae kasabay ng malakas na tawa niya. "Hindi bale sana kung nakikinabang ako sa kanila, e, hindi naman. Pasasamain lang nila ang loob ko. Kaya ako, happy na lang! Laugh na lang tayo nang laugh, di ba? New Year na kaya itodo na natin ang saya!" Ayaw nang balikan pa ni Rufa Mae ang mga masasamang nangyari sa kanya noong 2008. Nasaktan at marami na raw siyang nailuha. Tama na raw 'yon dahil maraming magagandang bagay naman daw ang nangyari kanya at darating pa ang maraming blessings. "Naisip ko na mas marami akong blessings na natanggap kesa sa mga negative na mga bagay. Kumita lahat ng mga movies na ginawa ko [Manay Po 2, I.T.A.L.Y., Desperadas 2]; top-rating ang mga shows na kinabilangan ko [Dyesebel, SOP, Showbiz Central, Bubble Gang] at nanalo pa ako ng award [Best Comedy Actress sa Star Awards for TV]. "This year, makakasama ako sa bagong GMA primetime show na Zorro, kung saan bida si Richard Gutierrez. Tapos may movie pa akong ipapalabas this January, yung Single, under Viva Films. Kaya ang saya, di ba? "Sabi nga nila, count your blessings. Yun nga ang ginawa ko kaya gumaan ang loob ko. Kaya kung anuman bad things na nangyari sa akin last year, tama na 'yon. Bahala sila na mang-intriga. Basta ako, maganda ang nakikita kong mangyayari sa akin in 2009. "Isa pang ikinatutuwa ko ay magkakasama kami ngayon ng family ko sa iisang bahay. Yung bonding naming lahat, buong-buo na kasi nga sila ang naging kakampi ko sa mga pinagdaanan kong lungkot. At sa ipapatayo kong new house, magkakasama ulit kami para solid kami as a family," mahabang pahayag ni Rufa Mae sa PEP (Philippine Entertainment Portal). NO COMMITMENT. Sa personal na buhay ni Rufa Mae, tama na raw yung wala muna siyang commitment. Okey lang daw ang makipag-date siya, pero no serious relationship muna. Napagod daw kasi siya sa huling serious relationship niya sa Mexican-American na si Bobby Lopez. "Sana mapanindigan ko ang maging single hanggang sa kalagitnaan ng 2009, di ba?" tawa niya. "Mahirap palang mangako! Uy, joke lang naman 'yon. Siyempre, I will try. Try daw, o! "Ngayon kasi, talagang wala akong dyowa. As in single ako. But I'm dating some friends. Kung sino ang mga 'yon, huwag na lang natin i-mention. Alam naman yata nila kung sino ang mga 'yon. "Pero nilinaw ko naman na walang commitment. Enjoy lang kami sa company ng isa't isa. Gusto ko munang mag-enjoy sa dating. Saka na ang serious-serious kapag okay na ang lahat at nakapagpahinga na ang puso ko. "Gusto ko lang naman ay maging happy at heto na nga iyon. Nagsisimula na at sana wala nang magtangka na gamitin ako, di ba? Ang lesson ay walang gamitan, di ba? Bad 'yon 'no! Kaya let's all be happy na lang, di ba?" sabi ni Rufa Mae. Source: Philippine Entertainment Portal |