|
|
| Rufa Mae Quinto says long-distance relationship with boyfriend still works![]() Author: Archie de Calma Nilinaw ni Rufa Mae Quinto na friendly date lang daw ang naganap sa kanila ng hunky newcomer na si Jon Avila. Nagsimulang ma-link si Jon kay Rufa Mae nang magsalita si Jon na crush na niya ang sexy comedienne noon pang una niya itong mapanood sa Bubble Gang. "He's just trying to be nice," nakangiting sabi Rufa Mae. "Siyempre, siya ang leading man ko sa movie na ginagawa namin, ang Like A Virgin, at mabuti na lang, may chemistry kami, huh! In fact, noong magpunta siya sa Guam, pagbalik niya, pinasalubungan niya ako ng imported chocolates. Ang sweet nga! Nahihiya pa nga siya kaya ipinaabot niya sa driver niya." Napaka-unfair daw na akusahang ginagamit siya ni Jon dahil hindi naman daw nanliligaw ang binata sa kanya. "Mabuti sana kung anu-ano na yung ginagawa at sinasabi niya, e, tahimik lang naman yung tao sa shooting. Nagsasalita lang naman talaga siya kapag nakakainom, kapag ganyang may bonding ang barkada. Naging kabarkada ko talaga siya, kasama ang iba pang nasa cast. Maganda yung nabuo naming samahan," lahad ni Rufa Mae. ENJOYING LIFE. Marami tuloy ang nagtataas ng kilay na may pagka-unfaithful daw itong si Rufa Mae, lalo na't long distance love affair ang arrangement nila ng boyfriend niyang si Bobby Lopez, who's half-American, half-Mexican. "Hindi naman!" at napabungisngis ang sexy comedienne. "Ini-enjoy ko lang naman ang buhay, ang takbo ng career ko. Kung nariyan ang boys sa paligid ko, well, bonus na lang 'yan. Kailangan lang talaga sa pelikula dahil yun ang istorya. "Masaya ako, lalo sa career ko, kasi sunud-sunod ang ginagawa kong movies. Nag-umpisa na kami sa Desperadas 2 habang patapos na kami rito sa Like A Virgin. Ito yung time na nakakaikot ako sa magagaling na directors, like Mark Reyes [I.T.A.L.Y.], Wenn Deramas [Apat Dapat, Dapat Apat at Pasukob], Joyce Bernal [Dyesebel], Joel Lamangan [Desperadas 2], at ngayon si Joey Reyes naman for this movie na pino-produce ko with Viva. "Dati kasi, parang nakasarado lang sa Viva yung image ko, yung roles, hanggang nakakagawa na ako sa labas. 'Tapos, ako na mismo ang nakikipag-co-produce," sabi ni Rufa Mae. STILL WORKING. For now, kahit sabihin pang nali-link sa ibang guys si Rufa Mae, maayos pa rin daw ang relasyon nila ng boyfriend niyang si Bobby Lopez. "Kahit lagi siyang nasa ibang bansa," tila himutok pa ng aktres. "Pero mas nagwu-work yun dahil kahit nasa Pilipinas siya, hindi naman puwedeng araw-araw ay nagkikita kami. Wala akong time. "Mabuti na lang, kapag pumupunta siya rito sa Pilipinas, everytime we meet, naka-focus ang time ko for him. Okey na sa akin ito. Mahirap yung may relasyon ka nga, hindi mo naaalagaan dahil wala ka namang time. Nasa pag-uusap at understanding na lang namin ni Bobby yun. "Ayoko na rin kasi ng kaswal ang relasyon. Alam mo yun? Serious ako kapag may relationship. Pero ngayon kasi, hindi na katulad ngayon na todo-work talaga. Ngayon, I see to it na may social obligations din ako. Pero kailangan pa rin ngang mag-work dahil sinusuportahan ko ang family. Although anytime, kung gugustuhin ko, okey naman na magpakasal na rin ako. "Pero mas gusto ko na muna ang ganito. Kasi hindi ko pa naipapatayo ang aking dream house. Hindi ko pa nagagawa 'yan. 'Yan na muna ang priority ko," saad ni Rufa Mae. Wala pang isang taon ang itinatakbo ng relasyon nila ni Bobby kaya okey pa rin dito ang maghintay para kay Rufa Mae. Source: Philippine Entertainment Portal |