Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

WELCOME!

Telebisyon.net is a website designed for Filipinos around the world. This website contains casts and crew information, episode guide, plot, summary, celebrity appearances, and more. Mabuhay ka, Pinoy!

 

Rufa Mae, Rudy nag-break dahil kay Robin Padilla?

Rufa Mae Quinto

Column: Footlose
Author: Leo M. Bukas

BREAK na raw sina Rufa Mae Quinto at ang baskeball player na si Rudy Hatfield. Imagine, five years na ang kanilang relasyon pero nauwi pa rin ito sa hiwalayan. How sad naman, di ba?

Wala raw third party involve sa break up ng dalawa. Basta na lang daw nakaramdam sila ng panlalamig sa isa't isa.

May nakapagsabi rin sa amin na maaaring nagkasawaan ang dalawa kaya naghiwalay muna. Pero malaki pa rin naman daw ang chance na magkabalikan ulit sila.

Meanwhile, bida si Rufa Mae sa pelikula ng Unitel Productions na La Visa Loca na prinodyus ni Sharon Cuneta. Kapartner dito ni Rufa Mae si Robin.

Teka lang, hindi kaya si Robin ang dahilan ng break up nina Rufa Mae at Rudy? Posible, di ba?

* * *

PINAG-UUSAPAN na ngayon ang Ikaw Ang Lahat Sa Akin, ang bagong teleserye ng ABS-CBN na pinagbibidahan ni Claudine Barretto kasama sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. Marami na ang naiintriga sa bagong serye na ito. Sa ipinapakitang teaser plug ng ABS-CBN, marami ang curious sa kuwento. Ano daw ba ang magi-ging papel ni Claudine kina John Lloyd at Bea.

Walang hindi makaka-relate sa kuwento ng Ikaw Ang Lahat Sa Akin. Kuwento ito ng pag-ibig at ang klase ng pagmamahalan sa pagitan ng iba't ibang tao.

Ang reaksyon pa, it's like watching 2 teleseryes in one. For the record, nakapagdala na ng kanya-kanyang teleserye ang mga bidang sina Claudine, John Lloyd at Bea. Lahat ng teleserye ni Claudine ay pawang hit sa tao. Kahit ang It Might Be You nina John Lloyd at Bea ay hinding-hindi malilimutan ng mga taong sumubaybay nito.

Kaya tunay namang inaabangan na ngayon pa lang ang Ikaw Ang Lahat Sa Akin. Kasama din dito sina Diether Ocampo, Angelika dela Cruz at Shaina Magdayao. Ma-lapit na malapit na itong mapanood.

* * *

MAGANDA at very catchy ang bagong commercial ni Kris Aquino sa isang brand ng alak. Ito pala 'yung ipinagmamalaking endorsement ni Kris na dahilan kung bakit hindi siya puwedeng magka-boyfriend o di kaya'y magbigay ng comment tungkol sa bago niyang love life.

Sobrang laki raw ng talent fee ni Kris sa TV ad na ito. How much kaya 'yon?

Worth kaya 'yon sa pag-i-encourage niya sa mga kababaihan na maglasing at uminom ng alak?

May isa lang kaming napansin sa commercial na ito ni Kris. May isang eksenang ipinakikita ang cleavage ng malusog na dibdib ni Kris. Pang-come-on din kaya 'yon sa consumers?

Pero sa kabuuan, cute ang commercial lalo na 'yung linyang "mahirap humanap ng babaing katulad niya..." In fairness, nag-iisa lang naman talaga si Kris, 'no!

Source: Taliba