Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Rufa Mae at Mo, bati na

Author: Nitz Miralles

Kinumpirma ni Rufa Mae Quinto sa Showbiz Central na engaged na siya at next year ang scheduled wedding nila ng kanyang fiancé.

Hindi pa lang siya tiyak kung dito o sa U. S. , kung saan based ang mapapangasawa, ang kasal.

Nag-sorry ito na hindi pa niya masabi ang name ng guy, pero nangakong sa right time, ipakikilala sa tao sa Showbiz Central.

"Ordinaryong Kabalen" ang description ni Rufa Mae sa fiancé na 'di yata tama kung kaya siyang bilhan ng worth P30-M house sa California.

Para makaiwas sa pangungulit ng press, 'di isinusuot ni Rufa Mae ang kanyang engagement ring. Napaluha ito nang sabihing sobrang sacred ang relasyon at titiyaking mapapanindigan niya.

Dahil sa nalalapit na pagpapakasal, nagkabati na rin yata finally sina Rufa Mae at Mo Twister at 'di na rin inintriga si Rufa Mae sa paggi-guest ni Jessa Zaragoza sa show.

Up to December na lang daw sa showbiz ang dalaga at ang personal life naman ang haharapin.

* * *

Sa All My Life, worried si Amelia (Gelli de Belen) sa sitwasyon nina Romina (Kris Bernal) at Jules (Aljur Abrenica).

Gagawa sila ng paraan ni Sally (Manilyn Reynes) para magbati na ang pamilya nila at pamilya nina Gary (Jay Manalo) at Marita (Lani Mercado).

Desidido sina Jules at Romina na magpakasal at inalam ang proseso. Papunta sila ng munisipyo nang biglang maaksidente sila.

May kakaiba namang nangyari kina Agatha (Jay Aquitania) at Lindsay (Jade Lopez) na 'di nila maikuwento sa mga kaibigan.

* * *

May fund-raising concert ang CFC o Christ's Commission Fellowship Cavite sa September 5, 6 p. m. , for the construction of their church.

Featured performer si Christian Bautista at makakasama niya si Melissa de Leon at ang Crossover Band.

Gagawin ang concert sa 2nd floor ng Sun City Plaza, Anabu I sa Imus, Cavite. Ang Drug Makers' Laboratories Inc. at Broader Head Operation, Inc. ang sponsors.

Source: People's Tonight