Mar 20
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Rufa Mae, ayaw na kay Dennis!

Rufa Mae, ayaw na kay Dennis!

Author: Jun Nardo

ITINANGGI ni Rufa Mae Quinto na hanggang nga-yon ay kinikilig pa rin siya kay Dennis Trillo. Sabi ni Rufa Mae, alam niyang may ibang isyu si Dennis sa buhay nito, at may ibang isyu rin siya, kaya kapag pinagsama pa sila, magiging mabigat na ang sitwasyon.

“Pero nai-excite pa rin ako kay Dennis siyempre!” hirit niya.

“Sa tingin ko, nag-mature na si Dennis ngayon. Hindi lang sa pagiging actor. Mabait si Dennis, kaya palagi siyang napapahamak. Para sa kanya kasi, lahat positive.”

Kuntento na rin daw si Rufa Mae sa career niya ngayon.

“Ang pangarap ko naman, hindi maging sikat! Ang mapag-aral lang ang mga ka-patid ko. Kumita at umasenso!” sey niya.

Wala pa ba siyang plano na magkaroon ng sariling pa-milya?

“Ang sa akin, gusto ko lang itama ang buhay ko. 'Yung magpakasal muna ako, and then, magbi-baby. Kasi nga, I came from a broken family. I would say na kinda dysfunctional ang family ko. Pero okey naman ang family ko.

We love each other. Magkakasama kami ngayon.

So lumaki akong walang magulang. Lumaki ako sa lola ko. Gusto kong ma-experience kung paano maging maa-yos para maibigay ko sa anak ko 'yung mga hindi ko na-experience. Kaya grabe kong alagaan ang mga kapatid ko. Sa exclusive school sila kasi ako, sa public school.”

Malaki na nga ang pinagbago ni Rufa Mae.

“Nakilala ko ang sarili ko ngayon. Nu'ng una, ang akala ko, katawan ko lang ang dahilan kung bakit ako nasa showbiz. Pero naipakita ko, may talent ako sa comedy. Hanggang paseksi lang ako. At tawa naman sila nang tawa sa akin!” Sabi ni Rufa, malapit na raw siya sa Diyos ngayon.

“Nag-church ako. Ang dami kasing nangyari sa buhay ko. 'Yung una, nawala 'yung 6-years na relationship ko. Tapos, nakita ko na may family problem kami.

“Ang ginawa ko, dina-divert ko ang sarili ko sa trabaho. Naghanap ako ng magmamalasakit. Na-realize ko hindi ako masaya, huh! Ang bigat-bigat ng hair ko. Laging heavy. Teka, hindi naman ako pangit!

So, nag-relax ako. Nag-Christian. Dati pa naman, pero mas ginawa kong regular,” kuwento na lang ni Rufa Mae, ang isa sa mga bida sa pelikulang Italy, ng GMA Films.

Source: Abante