|
|
| Rufa Mae 'baptizes' Akihiro![]() Author: Mario E. Bautista Rufa Mae Quinto will be Jap-Brazilian model Akihiro Sato's "godmother" in his first acting try on TV in "SRO Cinemaserye Presents Moshi-Moshi" that starts this Thursday after "Shining Inheritance. " "Yes, ako'ng magbibinyag sa kanya," she says. "Dito malalaman kung may ibubuga nga itong afam na ito. I play a laundry shop owner na mahilig sa foreign telenovelas at naging super fave ko ang isang Japanese telenovela na si Aki ang bida. Nang dumalaw siya sa bansa natin to promote his new telenovela, ayun, nagmistula akong stalker niya. I'll do anything to get him kahit hate ako ng manager niya, Alicia Mayer, na may gusto rin pala sa kanya. " So how's their working relationship so far? "First time ko lang siya nakita sa taping namin. Hindi ko nga nakilala kasi naka-shades at jacket siya. Siya na pala 'yun at shocked ang beauty ko dahil ang guwapo pala niya. May K pagkaguluhan ng mga bading. Mabait siya, smiling face, and he's trying his best to speak Tagalog. Sabi ko, it's okay, we can talk in English kasi marami akong baong Ingles. E, 'yun pala, kahit English, hirap din siya at ako pang nagtuturo sa kanya. He also doesn't talk Japanese kundi Portuguese lang as he grew up in Brazil. " Is it true their show is very sexy? "Yes, marami kaming kissing scenes at may shower scene pa kami na pareho kaming basang-basa. Kaya tiyak lalong maiinggit sa'kin ang mga bading na nagnanasa sa kanya. Sorry na lang po pero naunahan ko na sila. First taping day pa nga lang namin, kissing scene na agad. Parang hindi ako sanay at nahiya pa ako kay Aki. But I showed him I'm professional kaya go na lang ng go. " One writer tells her she looks excited to work with Aki. "Kinikilig-kilig ka raw. " "Obvious ba?" she laughs. "Siyempre, bagong putahe, di ba? At flattered ako when he said crush niya ako. Nag-blush nga ako, e. Feeling ko, bagets uli ako. Parang virgin na naman ako!" And we thought she's already engaged to her mysterious boyfriend? "Oo nga. E, trabaho naman ito, 'no?" Does Aki know Rufa Mae? "Yes, I know she's a superstar. I see her on TV and magazines," he says. "She's really my crush. " How do her lips taste? "Ang sarap-sarap. Parang strawberry. But no malice 'yun. " "Ganun ba? Kasi sa'kin, meron," says Rufa Mae laughing. Source: People's Journal |