|
|
| Rufa Mae, feeling virgin kay Akihiro!![]() Author: Ruel Mendoza Si Akihiro Sato ang bagong biktima ng alindog ni Rufa Mae Quinto. Magkatambal ang dalawa sa bagong handog ng SRO Cinemaserye Presents Moshi-Moshi... I Love You. At sa kuwento, gaganap si Rufa Mae na may-ari ng laundry shop na mahilig manood ng mga foreign telenovelas. Isa nga sa mga naging paborito niya ay ang Japanese telenovela na pinagbidahan ng character ni Akihiro. Nang bumisita sa Pilipinas ang naturang Japanese actor para i-promote ang bago nitong telenovela, isa si Rufa Mae sa nahumaling at naging parang stalker ng aktor. “Basta nakakatuwa ang aming SRO. Kasi for the first time nga nakatrabaho ko si Akihiro na first time ko ring makita in person. “Sa totoo lang, hindi ko pa siya nakikita talaga not until nakarating kami sa taping ng SRO. Nagulat nga ako noong dumating siya. Ang laki-laki niyang lalake tapos naka-jacket at naka-shades pa. Hindi ko alam na siya na pala 'yon kaya sobrang shocked ako dahil ang guwapo pala niya. “Nakikita ko lang kasi siya sa mga commercials, pero not in person yet. Kaya ibang-iba siya noong makasama ko na. Mabait siya at palangiti. And in fairness, marunong mag-Tagalog,” tila kinikilig na kuwento ni Rufa Mae. Marami nga raw silang kissing scenes ni Akihiro sa kanilang SRO. May shower scene pa raw silang dalawa, na kung saan ay magdidikit ang kanilang mga basang katawan. “Noong mabasa ko nga ang script, parang, 'Uy kailangan pa ba ng shower scene?' Parang nag-inarte pa raw ako bigla! Ha! Ha! Ha! Ha! “Parang hindi bagay na tumanggi ako, 'di ba? Ha! Ha! Ha! Ha! “Kasi nga parang bigla akong nahiya kay Akihiro. First scene nga na kinunan sa amin, may kiss na agad. Parang hindi pa nga ako handa, eh pero professional ako kaya go lang nang go! Ha! Ha! Ha! Ha!” natatawang kuwento ni Rufa Mae. Sabi nga ni Akihiro na before pa sila nagkatrabaho ni Rufa Mae ay napapanood na raw niya ito sa TV at nakikita sa mga covers ng magazine. Aminado siyang crush niya si Rufa Mae at superstar ang tingin niya rito. “In fairness, nagulat ako nang sabihin ni Akihiro na he knows me matagal na. Kasi nga nakakakita siya ng mga covers ko sa magazines. Lagi raw niyang tinatanong kung sino ako sa mga friends niya dito sa bansa natin. “Flattered ako noong sinabi niya na crush daw niya ako. In fairness, nag-blush ako! Ha! Ha! Ha! Ha! “Kasi nga, matagal na akong hindi nakaranas na may guy na nagsabing crush niya ako. Feeling ko bagets na bagets ulit ako! Parang virgin na naman ako! Ha! Ha! Ha! Ha!” humahalakhak na sambit pa ni Rufa Mae. Inimbitahan na nga ni Akihiro si Rufa Mae kung payag ba itong maka-duet siya sa Celebrity Duets. Hindi nga nagdalawang-isip si Rufa Mae at umoo kaagad ito. “Bakit naman ako hihinde? Imagine, inimbita ako ng isa sa mga sexiest bachelors ng bansa? Pumapagaspas na ang career niya rito kaya siyempre, payag ako na maka-duet siya. Basta kay Akihiro, go, go, go tayo!” pagtatapos pa ni Rufa Mae. Source: Abante |