Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Rufa Mae hinahanap-hanap ni Jon Avila

Rufa Mae hinahanap-hanap ni Jon Avila

Author: Noel Asiñas
Column: Cut!

NANGHINAYANG si Jon Avila na nauwi sa w ala ang pagiging close nila noon ni Rufa Mae Quinto.

Kasi, hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na maligawan si Rufa Mae.

Naging super-busy kasi ang sexy comedian sa pagku-concert sa abroad at siya naman ay inasikaso rin ang sa kanyang acting career.

Sa ngayon, hinahanap-nahap pa rin ni Jon ang kabaitan ni Rufa Mae sa kanya.

Pero tinanggap na rin niya na hanggang magkaibigan lang talaga silang dalawa.

Kahit nasa bansa si Rufa Mae ngayon, huli silang nag-usap last May.

Wala sa bansa si Rufa Mae dahil nag-celebrate ang actress ng birthday kapi-ling ang pamilya nito na nasa San Francisco, California.

Nang makausap namin si Rufa Mae sa set ng Bubble Gang, inamin nitong naging close friend lang talaga sila ni Jon noon. Kaba-ligtaran sa haka-haka ng iba na na-ging sila.

Samantala, busy si Jon sa kanyang acting career dahil kasama siya sa Oh My Girl ng Regal Films bilang showbiz boyfriend ni Judy Ann.

Laking pasalamat ni Jon na nakasama niya sa movie si Juday at naging sweetheart pa niya sa pelikula.

Kasama rin sa afternoon soap si Jon sa ABS-CBN 2.

Partner niya sa Pat is Thin soap si Valerie Concepcion na malapit nang ipalabas.

Nagbida na rin si Jon sa Kapitan Boom at nakasama sa Betty La Fea.

* * *

NASA cast din ng Oh My Girl nina Judy Ann Santos at Ogie Alcasid si John Prats.

Alam ni John na paborito siya ng Regal Films, kasi hindi siya nawawalan ng project sa production ni Mother Lily Monteverde.

Kaya naman lubos ang pasasalamat niya sa biya-yang tinatanggap.

Gaganap siya sa Oh My Girl bilang ever supportive na kapatid ni Ogie.

Siya ang nakaaalam nang lahat ng ginawa ni Ogie para mapalapit muli kay Juday na isang sikat na artista sa movie.

Dahil si John ang kausap namin, hindi maaalis na pag-usapan ang kanyang girlfriend na si Shaina Magdayao.

Ayon kay John, sobrang proud siya dahil siya ang unang boyfriend ng bunsong kapatid ni Vina Morales.

Maging sa career move ay suportado nila ang isa't isa.

Pumayag din si John na mag-swimwear si Shaina kasi may ipakikita naman itong beautiful legs.

Kung pagpapaseksi naman ni John ang pag-uusapan ay ok lang daw ito kay Shaina.

Kahit pa raw mag-pose ang binata ng naka-brief lang, kaya ngayon pa lang ay pinag-iisipan na ito ni John tulad ng sexy pictorials nina Dingdong Dantes at Piolo Pascual.

Malamang sa next Bench fashion show ay magpapakita na rin ng kamachuhan si John.

Showing na ang Oh My Girl sa July 29.

* * *

MASAYANG Bubble Gang ang mapapanood ngayong Friday night dahil sa nakakabaliw na gag tungkol sa pag-iwas sa rumaragasang sasakyan.

Guest star ng BG barkada si Mark Herras.

Gaganap si Ogie bilang isang bank manager na para pa ring bata kung pagalitan ng tatay niya.

Si Michael V ay gaganap na isang bading na magugulantang nang magising ito sa tabi ng dalawang babae.

* * *

SA Sabado sa Pinoy Records, hosted by Manny Pacquiao at Chris Tiu, may bagong challenge ang dalawang celebrities na sina Angelu de Leon at Patricia Fernandez. Ang Super Bike Champion na si Maico Buncio ay pasok sa Bidang Pi-noy at matutunghayan kung bakit siya champion sa superbike. Nakakahindik naman panoorin ang dalawang babae na magtatagisan ng ga-ling sa pagpatay ng kandila sa pamamagitan ng kanilang dila.

* * *

MATAPOS maka-one-on-one ni Bossing Vic Sotto sina Mo Twister, Megan Young at Polo Ravales sa hot seat ng Who Wants to be a Millionaire? ng TV5, isa pang celebrity ang macha-challenge nang husto sa game show.

A fan of the show and a game show host himself, ang hunk actor na si Richard Gomez naman ang sasalang sa hot seat this Saturday.

* * *

NGAYONG Biyernes sa Jojo A. All the Way magpa-patawa at magpapa-relax ang writer-comedian na si Brod Pete kasama ang host na si Jojo sa pagkukuwentuhan nila tungkol sa "buhay-buhay. " Ma-entertain at ma-update sa latest and lightest happenings araw-araw, kaya gawin ang Jojo A. All The Way! your comedy habit bago ma-tulog tuwing 12mn sa TV5.

* * *

MULING tinalo nina Dennis Trillo, Jennica Garcia, Marvin Agustin at Jolina Magdangal ang programa ni Anne Curtis last July 14.

Nakakuha ang Adik Sa 'Yo ng 25. 6% overnight TV rating sa Mega Manila, kumpara sa 19. 9% naman ng katapat nitong programang The Wedding, base sa AGB Nielsen.

Ngayong linggo ay matutuklasan na ni Ruben (Dennis) ang lihim ni Karen (Jennica) habang magkakagulo sina Carlos (Marvin) at Joana (Jolina) dahil kay James (Wendell Ramos).

Source: Taliba