Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Rufa Mae, imbiyerna kay Mo

Author: Nitz Miralles

Siguradong deadmahan na naman mamaya sa Showbiz Central sina Rufa Mae Quinto at Mo Twister dahil na-hurt si Rufa Mae sa nabalitaang nakikipagpustahan si Mo sa Facebook account niya na isa sa presidential sons ang sinasabing fiancé ng comedienne.

Sa text message ni Rufa Mae sa isang kaibigan, sabi nito, 'wag nang sumawsaw si Mo at maging happy na lang para sa kanya.

Sabi ni Rufa Mae: "First time kaming nagbati last week or two weeks ago, inumpisahan na niya ulit. Nanlamig ako at sumakit ang tiyan ko sa nalaman kong ginawa niya. Of course, I'm not engaged to him. Mag-i-enjoy lang si Mo 'pag pinatulan ko siya uli, pinapasa-Diyos ko na lang lahat. Kundi sila masaya para sa ibang tao, that's life. At least, alam ko kung sino ang friend ko. Sana, nagtanong muna siya sa akin. "

Kung gusto ni Rufa Mae na mapahiya si Mo, pangalanan na niya ang fiancé, pero close friends palang yata niya sinasabi kung sino ang fiancé, kaya nakikipag-pustahan muna si Mo.

* * *

Mamayang 10:30 p. m. na mapapanood sa GMA-7, ang Planet Philippines, ang environmental docu hosted by Richard Gutierrez. Luzon, Visayas at Mindanao ang pinuntahan ng actor para maipakita ang yaman ng bansa-mula sa kagubatan, karagatan at pati ilalim ng kuweba.

Kabilang sa makikita ang kakaibang uri ng ibon na sa Visayas lang matatagpuan. Sinisid din ni Richard ang dagat at makikita ang naglalakihang pating at pagi. Gamit ang high definition technology sa documentary at malalaman ang estado ng kalikasan at ano ang magagawa para masagip ang natitira pang yaman ng kalikasan ng bansa.

* * *

Masaya ang nakaraang birthday ni Kiko Rustia ng Survivor Philippines 1 at isa sa hosts ng Born to be Wild, dahil bago ang birthday niya noong September 1, binigyan siya ng surprise birthday party ng mga magulang na sina Tito at Marie Rustia at siblings na sina Rizza, Rachell, Rikka at Robby sa penthouse ng condo ni Kiko sa may Ortigas.

Mga kasama sa SP1 at friends sa SP2 ang invited minus Mika Batchelor dahil may dental appointment, Cesar Apolinario, at staff ng BTBW. Hosts ng party sina Alessandra de Rossi at TJ Montelibano at marami pang iba.

Incidentally, masaya nito si Kiko at Doc Ferds dahil nanalo sa 1st MTRCB Awards ang BTBW. Motivation ito sa dalawa para mas pag-igihan pa ang kanilang trabaho.

* * *

Sa part-three ng Karibal episode ng Dear Friend, ayaw na sanang makipag-balikan ni Darell (Wendell Ramos) kay Cheska (Jennylyn Mercado) dahil may iba na siyang mahal, pero mapilit ang dalaga. Hirap na hirap si Darell dahil 'di maaming ang ina nitong si Claire (Jean Garcia) na ang gusto niya at nag-request din itong 'wag hiwalayan ang anak.

Mapagbiro lang ang tadhana dahil madidiskubre pa rin ni Cheska ang tungkol sa ina at sa BF. Paano niya ito tatanggapin? Alamin ang kasagutan mamaya sa Dear Friend, sa direction ni Andoy Ranay.

* * *

Ayaw ng fans ni Gerald Anderson ang cover nito sa Cosmo Men, supplement ng September issue ng Cosmo kung saan, nag-topless ang ka-love team ni Kim Chiu. Sabi ng e-mail na natanggap namin ng Kim-Gerald fan from the States, hindi kailangan ng actor na maghubad dahil sikat na siya, magaling umarte at sunud-sunod ang projects. Ipaubaya na raw sa iba ang mga ganu'ng pictorial.

Pero, wala kaming makitang masama sa pictorial ni Gerald at isa ang picture niya sa pinaka-wholesome sa mga kasama sa 10 celebrity Centerfolds. Ang feeling nga ng mga bading na bumili ng magazine, nilinis ng husto ang katawan ni Gerald bago ang pictorial.

Hindi dumating sa presscon si Gerald, kaya 'di namin alam kung rarampa siya sa September 10, sa NBC Tent kasama ang siyam pang celebrities at 69 Bachelors.

Source: People's Tonight