|
|
| Rufa Mae, iniwasan si Mo!Author: Nitz Miralles Hindi nagkita sina Rufa Mae Quinto at Mo Twister sa Showbiz Central last Sunday dahil absent ang una't may sakit daw pero present naman sa SOP. Obvious na iniwasan ni Rufa Mae si Mo na nagpasama uli ng loob niya nang pagpustahan ang lovelife sa Twitter account nito. Bago nagtapos ang Showbiz Central, humirit ang co-host nilang si Pia Guanio na pumasok na si Rufa Mae next week dahil nag-sorry na si Mo sa ginawa niya. Guest naman sa Intriga Crossfire segment si Eugene Domingo na thankful sa lahat ng nanood ng Kimmy Dora pati sa mga artistang nag-guest nang libre. As of last Saturday, P14 million na ang gross nito, ayon kay Direk Joyce Bernal, director at isa sa mga producer ng pelikula under Spring Films. Maganda ang sinabi ni Eugene na hindi maaapektuhan ang friendship nila ni Ai-Ai de las Alas ng success ng Kimmy Dora dahil kung 'di nito binuksan ang pintuan para sa mga babaing komedyana, hanggang ngayon, lalaki pa rin ang mga sikat na nagpapatawa. * * * Malakas ang kilig factor at may chemistry ang bagets na sina Joshua Dionisio at Barbara Forteza, gumaganap na young Cholo at young Jodi sa bagong GMA-7 offering na Stairway to Heaven. Ang lakas ng sigawan ng audience sa special screening ng series na ginawa sa Cinema 10 ng SM Megamall last Sunday sa mga eksena nila. Malulungkot ang viewers 'pag wala na sila sa series. Si Joshua ay 14 years old at first project niya ang Stairway... sa GMA-7. Nag-audition siya at masaya nang makapasa. Sa Colegio de San Lorenzo siya nag-aaral. Twelve years old naman si Barbie from Biñan, Laguna, grade six sa St. Michael College of Laguna at first acting project niya ang series, pero napakahusay na. Binigay daw nila ni Joshua ang best nila, kaya sila magaling. Wish ng fans, mabigyan uli ng project ng Channel 7 na magkasama sina Joshua at Barbie, na pati mga bossing ng network, nagulat sa mabilis na pagtanggap sa kanila ng tao. * * * Mapapanood na si Jomari Yllana sa Rosalinda, siya si Alex Durantes, ang record producer na tutulong kay Rosalinda (Carla Abellana) na maging singer at magbibigay ng bagong pangalan at katauhan sa kanya. Nagustuhan ng actor ang role niya at bagong loveteam pa ang kasama. Para sa kanya, bagay si Carla sa role ni Rosalinda at bagay sila ni Geoff Eigenmann dahil parehong beautiful people. "It's just a matter of selling them at lalaki pa silang artista," patungkol ni Jomari sa magka-loveteam. Enjoy si Jomari na active na uli siya sa acting at masaya rin siya para kay Mark Anthony Fernandez na nakabalik na rin sa showbiz. Sabi nito: "Nakikita ko sa kanya, local Robert Downey Jr. , dahil ilang beses nadapa, pero nakakabangon pa rin. Tawag ko sa kanya, royalty, pedigree, dahil anak siya nina Alma Moreno at Rudy Fernandez. Happy ako na kasama siya sa top-rating series na Darna. " Sa Rosalinda today, lasing si Fernando Jose at pupuntahan siya ni Fedra (Katrina Halili) sa kanyang condo. Nagnakaw si Rosalinda sa isang condo at sa kanyang pagtakas, napasok ang condo ni FJ, makikita siya ng asawa at mamumukhaan. Source: People's Tonight |