|
|
| Rufa Mae kay Mo: Anak mong may sakit ang pagtuunan mo ng pansin!Author: Vinia Vivar KAHIT nagbigay na ng public apology si Mo Twister kay Rufa Mae Quinto, mukhang hindi pa rin ito tinatanggap ng sexy comedienne. Kahapon, sa radio program ng katotong Ogie Diaz, imbudung-imbudo (imbiyernang-imbiyerna) pa rin si Rufa Mae kay DJ Mo. Matatandaang nagalit si Rufa Mae kay DJ Mo (for the nth time) dahil sa inilagay ng huli sa Twitter account niya na engaged na ang sexy comedienne kay Congressman Mikey Arroyo. Dahil sa galit ni Rufa Mae, hindi ito sumipot sa Showbiz Central kung saan ay pareho silang co-hosts ni DJ Mo. That Sunday afternoon, nag-apologize on air ang TV host-DJ saying na Internet joke lang ang kanyang ginawa. Pero mukhang this time, galit na talaga si P-Chi (palayaw ni Rufa Mae). Ayon sa panayam ni Ogie, wala na siyang ire-react sa kaso-sorry ni Mo dahil pauli-ulit na lang ito sa paggawa ng kasalanan sa kanya. Ayon kay Rufa Mae, lagi na lang ganito si DJ Mo sa kanya, gagawan siya ng issue pagkatapos ay magso-sorry, pero uulitin na naman after a while. Mataray pang pahayag ng sexy comedienne, bakit hindi na lang ang anak nitong may sakit ang pagtuunan ng pansin ni Mo kesa gawan siya ng issue? Matatandaan ding si DJ Mo ang nagpasimula ng isyung may relasyon si Rufa Mae kay Dr. Hayden Kho, na ikinagalit din noon ng sexy comedienne. Sa tanong kung babalik pa ito sa Showbiz Central, ani P-Chi, pinag-iisipan niya pa ito at parang ayaw na raw niyang bumalik pa dahil kay DJ Mo although nilinaw naman niya na mahal niya ang iba pang kasamahan sa nasabing talk show. * * * KAHAPON, ibinalita ng manager na si Becky Aguila na na-release na ang warrant of arrest para sa dati niyang empleyada na si Rowena "Mel" Pulmano at maaaring ngayong araw na ito ay i-serve na ito. Masakit man para sa kanya na makitang maka-kulong ang dating tauhan dahil limang taon din niya itong nakasama, wala raw siyang magagawa dahil korte na ang nagdesisyon plus the fact na kailangan naman daw nitong pagbaya-ran ang ginawa sa kanila. Matatandaang sumam-pa sa Regional Trial Court ang kasong Qualified Theft na inihain ni Jennylyn kay Mel, dating PA niya. No bail recommended ang kaso. * * * HANDANG-HANDA na ang ABS-CBN para sa nalalapit na airing ng Lovers in Paris starring Piolo Pascual and KC Concepcion. In fact, nagsisimula na ang promo nila at makikita na ang teaser ng serye na paulit-ulit na ineere sa Channel 2. Ang Lovers in Paris ay first teleserye ni KC sa ABS-CBN. Unang pagsasama rin nila ito ni Piolo kaya naman talagang ginastusan nang husto ng network tulad ng paglipad nila sa Paris para mag-shoot. Sa taping sa Paris sinasabing na-develop nang husto sina Piolo at KC, kaya ngayon pa lang, marami na ang nag-aabang ng nasabing serye. Bilang part ng full promo ng Lovers in Paris, magkakaroon ng on-line chat sina KC at Piolo. Mag log-on lang sa http://chat. ABS-CBN. com at kahit saang panig kayo ng mundo ay maaari ninyong maka-chat ang dalawang lead stars simula bukas, Sept. 10. Sa grand presscon naman ng serye ngayong Setyembre, maaaring panoorin ang online stream live mula sa Dolphy Theater sa ABS-CBN compound. Source: People's Tonight |