|
|
| Rufa Mae may security guard na sa bahayAuthor: Pilipino Star Ngayon Naka-recover na si Rufa Mae Quinto sa nakawang nangyari sa kanyang bahay dahil sa presscon ng Pasukob nila ni Ai-Ai delas Alas, idinaan nito sa biro ang masamang nangyari. May doorbell na raw siya at kailangan munang mag-doorbell ang magnanakaw at may security na rin siyang nagbabantay sa kanyang house. “Wala na akong pakialam mabawi man o hindi ang mga nanakaw sa akin, pero hindi ko na pababayaang mangyari uli 'yun. Bumalik siya, pero hindi na nakapasok. “Nabawi naman sa ibang paraan ang nawala sa akin. Saka, at peace ako at masaya. Enough na sa akin 'yun,” sabi nito. Sa November 28 na ang showing ng movie sa direksyon ni Wenn Deramas at may premiere night sa Nov. 26 sa Cinema 6 ng SM Megamall. Samantala, hindi pinatulan ni Rufa Mae ang biro ng press na nainggit sa kanya si Ara Mina dahil marami siyang TV shows sa GMA-7 at sunud-sunod ang pelikula. “Hindi naman siya kailangang mainggit at sa tingin ko, hindi totoo 'yan. Marami rin naman siyang ginagawa, friend ko siya at nagsusuportahan kami. Magka-iba rin kami ng linya, sa drama siya at sa comedy ako. There's no reason para i-compare kami,” paliwanag nito. Sinabay na rin ni Rufa Mae ang paglilinaw sa isyung nag-walkout siya sa dubbing ng Desperadas dahil napanood na may “at” sa pangalan ni Marian Rivera. Kaya raw siya nag-walk out dahil wala sa schedule na magda-dubbing siya at ayaw niyang pagsabayin ang dubbing ng Regal movie at Pasukob. (NITZ MIRALLES) Source: The Philippine Star |