|
|
| Rufa Mae, nag-enjoy sa tatlong Canadians!![]() Author: Jun Nardo EDMONTON, CANADA: Mula sa Red Deer, namasyal muna ang grupo namin nina Rufa Mae Quinto, Giselle Sanchez, Pooh at Allan K sa tourist spot at national park na tinatawag nilang The Banff. Mallit na town lang ito pero pasyalan ng tao dahil nga sa nature ang drama rito, at kung type mong ma-appreciate ang bundok, ilog, lake at matulaing lugar sa Alberta, kailangang sumakay ka ng gondola (cable car) upang marating ang pinakatuktok ng bundok kung saan may viewing area, restaurants at souvenir shops sa itaas. Siyempre, super-lula talaga ang naramdaman namin nina Allan, Pooh at Jonathan, road manager ni Pooh, habang umaakyat pataas ang gondola. Although, nagkakatawanan at nagpipiktyuran upang hindi madama ang lula, impressed kaming lahat sa ganda ng lugar na dinarayo talaga ng mga tao. Naki-join din si Rufa Mae sa experience na 'yon sa gondola. Ini-enjoy talaga kasi niya ang bakasyon cum trabaho na ginagawa niya rito. Panay ang biro namin na sa grupo, siya lang ang pinakamalaking artista kaya dapat niyang ilagay sa utak niya 'yon. “Hindi naman. Wala naman akong nararamdamang ganoon. Basta happy ako at ngayon lang talaga ako nakakawala sa work. Grabe talaga ang feeling. Go! Go! Go” sabi ni Rufa Mae habang kumakain kami sa isang resto overlooking the mountains and the clouds. The night before kasi na pumunta kami sa Edmonton, nagkayayaan ang grupo na mag-enjoy sa casino sa Red Deer. Eh, nasa card table sina Rufa Mae at Pooh at winning ang drama, kaya 'yung pagiging masaya ng grupo ay naka-attract ng atensyon ng mga Canadian dealers sa card games. Hayun at nagkachikahan nu'ng break time at nagkasundong magchichikahan at mag-iinuman sa hotel. Ang tatlong Canadians pa nga ang naghatid sa akin sa hotel, huh! Naganap ang chikahan, halakhakan with inuman sa room ng road manager ni Rufa na si Ryan. Dumating kaming kinakalkal ni Rufa Mae ang dala niyang laptop. Pero nu'ng hinarap naman niya ang tatlong Canadians na in fairness ay mababait at magalang. Knows na nilang artista sa atin ang sexy comedienne dahil sa chika ng isang Pinoy na empleyado rin sa Jackpot Casino. Ang names ng Canadians ay Josh, Cris at Adams. Wala namang landiang naganap dahil ayon kay Rufa, naging instant fan niya ang tatlong afam (foreigner). Super-enjoy lang talaga sila na makasama si Rufa kaya hindi nila naramdamang 6:00 a.m. na pala. Abangan niyo pa ang mga susunod naming kolum... Source: Abante |