Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Rufa Mae, 'nag-propose' kay Marvin

Author: People's Tonight

HINDI kaya pagmulan ng intriga sa pagitan nina Marvin Agustin at Rufa Mae Quinto ang "usapang" ginawa nila habang naghihintay sumalang sa SOP kamakailan?

Naikuwento kasi ni Marvin sa interview para sa bago niyang show sa GMA-7, ang Outrageous & Courageous, na sinabihan siya ni Rufa Mae na kung wala pang mangyayari sa buhay niya in two years' time, ibig sabihin, kung bokya pa rin ang lovelife ng sexy comedienne, eh, sila na lang ni Marvin ang magkatuluyan.

Knows ni Marvin na biro lang ang tinurang iyon ni Rufa Mae, pero siyempre, flattered to death ang actor sa "proposal" ng komedyana.

Seriously, proud ang dating ka-loveteam ni Jolina Magdangal sa mga na-achieve at pilit pang ina-achieve ng ex ni Erik Santos.

Bihira raw ang tulad nito na handang talikuran ang local showbiz para sumubok ng ibang bagay sa abroad.

Ang alam daw niya, isa sa mga araw na ito ay aalis si Rufa Mae para mag-try ng "something new" sa ibang bansa. Dalawang buwan din daw itong mawawala sa 'Pinas.

Wala na siyang ibinigay na iba pang detalye tungkol dito. Basta, suportado raw niya kung anuman ang binabalak ng kaibigan.

As for himself, aalis siya bukas para mag-compete sa Asian Archery Grand Prix sa Bangkok.

Masayang-masaya rin si Marvin sa second wind na ini-enjoy ng career niya sa Kapuso Network. Hindi nga raw niya akalaing pagtitiwalaan siya ng Siyete ng ganito katindi.

Hindi nga naman siya nauubusan ng assignment, dahil after La Lola, kung saan siya gumanap bilang "outrageously at courageously" praning na si Gaston, eh, mapipili siyang mag-host ng local franchise ng American show na Outrageous & Courageous.

Mapapanood ito sa Bilib Ka Ba Nights ng GMA-7 simula Feb. 24, kapalit ng katatapos lang na Full Force Nature ni Richard Gutierrez. Makakasama niya rito ang isang sosyal na puppet na tinawag nilang "Paps. "

Si Paps ay hango sa personalidad at karakter ng outlandish Celebrity Duets 1 grand winner na si Tessa Prieto-Valdes.

Magkatuwang sina Marvin at Paps sa paghahatid ng mga nakatutuwa at nakatatawang eksena, mula sa mga dare-devilish stunt na nakabibilib, hanggang sa kakaibang mga rituwal at piyesta sa iba't ibang bahagi ng mundo sa ilalim ng direksyon ni Dominic Zapata.

* * *

KINUMPIRMA ni Rikka Dylim ng Star Magic na hindi mawawala sa eksena at bakuran ng AB S-CBN si Claudine Barretto.

Mauuna nga raw nitong simulan ang isang pelikula sa Star Cinema bago harapin ang taping ng susunod niyang soap opera sa ABS-CBN.

Mukhang mas magiging active si Claudine sa limelight ngayong 2009, dahil Pebrero pa lang, highly visible na ang aktres, lalupa't may bago itong endorsement, ang Knorr Real Sarap powdered seasoning.

Nagkaroon ito ng grand launch nu'ng Martes ng tanghali, kung saan ka-join ni Claudine na humarap sa entertainment at lifestyle writers ang mister na si Raymart Santiago at adopted daughter na si Sabina.

Si Christine Bersola-Babao ang nagsilbing emcee ng event na ginanap sa Cilantro Kitchen ng Food for Life building ng mismong Unilever compound sa United Nations Ave. , Ermita, Manila.

Ang catering service ng ninang at cooking mentor niyang si Glenda Barretto ang nag-serve ng sumptuous lunch, na kinabilangan ng tinawag nilang "Claudine's Adodo Ilonggo. "

In fairness, ang Adobo Ilonggo ng aktres ang pinakapatok sa mga putaheng sinerve. Nag-demo pa si Claudine kung paano ito lutuin gamit ang Knorr Real Sarap sa harap ng curious mediamen.

Source: People's Tonight