|
|
| Rufa Mae, ninerbiyos sa 'pet' ni Akihiro!![]() Author: Jun Nardo NILINAW ni Rufa Mae Quinto na hindi pusa ang deskripsyon niya sa pagkalalaki ng Brazilian-Japanese na si Akihiro Sato nang kandungin siya sa pictorial ng series nila sa SRO Cinemaserye na Moshi, Moshi, I Love You. “Hindi ko naman sinabing pusa. Sabi ko, may pet siya! Ha! Ha! Ha! Hindi ko pa nga sure! Ha! Ha! Ha! “Nakakanerbiyos naman! Pero tuta raw! Ha! Ha! Ha! “Tapos, tawa siya nang tawa. Hindi kasi niya alam ang ibig sabihin nu'n!” pahayag ni Rufa Mae. Binago nga ang posisyon ng pictorial at sa halip na kumandong, sa likod siya pumunta. “Nu'ng umpisa lang ang kandungan pero sa bandang huli, pumunta na ako sa likod niya. Kasi masyadong....Ninerbyos ako sa kanya,” sey ni P-Chi. Bakit naman siya ninerbyos? “Tingnan mo naman. Hindi ko pa inisip na guwapo siya. Oo madali akong ma-attract sa foreigner, pero hindi porke foreigner, 'di ba? Kailangan, deeper pa 'yung level bago ko magustuhan,” sambit niya. Eh, kung wala siyang boyfriend, magugustuhan niya si Akihiro? “Kung wala, aba, kailangan pa rin niyang mag-effort! Ha! Ha! Ha!” katwiran ng komedyana. Teka, bakit halatang naba-bother ka kay Akihiro? “Kasi naman, ang ganda ng view, 'no! Ha! Ha! Ha! “Pero ang maganda sa kanya, wala siyang malisya. Sanay na siya sa hubad-hubad! Model 'yan, 'di ba? Kasi hindi naman ako model kaya naba-bother ako. Hindi ko alam! I'm sure lahat din kami. Kasi pag model ka, hubad ka lang nang hubad, 'di ba?” katwiran niya. So, hubad pati ang ibabang bahagi ng katawan ni Akihiro nu'ng humarap sa kanya? “Ewan ko kasi hindi ko na tiningnan 'yung banda doon! Sabi ko, “Ano ka ba?' Siyempre, pag nagbibihis, madalian! Marami naman kami. Off cam ito, huh! Eh 'di ba, pag model, change, wala sa kanila 'yon,” bulalas niya. Hindi niya nakita? “Hindi! Nakakahiya, eh! Ha! Ha! Ha! I swear! Tanungin mo sa kanya! Pinatay ko ang ilaw! Charing! Ha! Ha! Ha!” tumatawang saad niya. Naku, parang hindi naman siya nirespeto ni Akihiro. “Ha! Ha! Ha! Naka-boxer naman siya! Sabi pa niya, 'I love you too!” hirit ng komedyana. Ayaw ba niya na may naghuhubad sa harap niya? “Nakaka-distract, eh! Sa TV ito at hindi personal!” deklara niya. Baka naaala niya ang dating boyfriend na si Rudy Hatfield? “Ako naman, hindi masyado sa katawan.” Pero, crush ka raw ni Akihiro? “Talaga? Ngayon lang uli ako nakarinig ng ganyan sa lalaki na inamin na crush ako. Kelan pa ba 'yung huli?” Mabango ba si Akihiro? ”Mabango! Italian din kasi siya! Saka may pinag-aralan!” sagot ni Rufa Mae. Siyanga pala, ngayong Huwebes na mapapanod ang tambalan nina Rufa Mae at Akihiro ang Moshi, Moshi. Kasama rin si Rufa Mae sa Darna. Source: Abante |