Mar 21
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Rufa at Ara nag-away dahil sa lalake?

Rufa at Ara nag-away dahil sa lalake?

Author: Rey Pumaloy
Column: Oh, Laban Ka?!

Itinatanggi ni Rufa Mae Quinto ang tsismis na may away sila ni Ara Mina ngayon. Sabi ni Rufa, sumasakit ang ulo niya sa kaiisip kung paano nagkaroon ng tsismis na magkaaway sila ni Ara.

Ang natatandaan ni Rufa Mae, baka binigyan ng malisya ng ibang tao ang hindi niya pagsipot sa cast party ng concert ni Ara sa Araneta kamakailan lang.

"Siguro nga �yun ang pinagmulan. Tapos, hindi pa ako lumabas sa finale ng concert ni Ara.

"Sa totoo lang, nangarag na ako that time kasi kailangan ko pang pumunta sa Walang Tulugan ni Kuya Germs para mag-promote ng concert namin ni Erik (Santos).

Anyway, hindi nga totoo ang tsismis na �yon dahil last Feb. 16 ay nakita pa namin si Ara na nanood ng concert nina Rufa Mae at Erik sa Aliw Theatre.

"Nahiya nga ako kay Ara, kasi hindi siya agad nakaupo, eh. Kung may gap kami ni Ara, hindi na siguro siya nagpunta sa concert namin," sabi pa ni Rufa.

Si Ara nga raw ang isa sa mga itinuturing ni Rufa na pinakamalapit sa kanya, kaya malabo na mag-away sila. Hindi rin daw nila puwedeng pag-awayan ang lalake, na tulad ni Rudy Hatfield na ex-boyfriend ni Rufa, na sabi-sabi ay madalas na ka-date ngayon ni Ara.

Sabi nga ni Rufa, may Erik na siya, at kung sino man ang mahalin ngayon ni Rudy, labas na siya roon.

***

Sa susunod na linggo na nakatakdang simulan ang Fantastikman ng GMA 7, na pagbibidahan ni Mark Herras. Sina Jackie Rice at Ryza Cenon ang mga babae ni Mark sa fantaseryeng ito.

Inspired sa movie ni Vic Sotto na Fantastikman din ang titulo ang fantaseryeng ito. Pero s�yempre, may mga konting pagbabago, tulad ng mas maraming kapangyarihan si Mark dito, kesa kay Vic sa pelikula.

Ngayong bida na rin si Mark sa TV, puwede na siyang ihilera kina Richard Gutierrez, Dingdong Dantes at Dennis Trillo. Malaki ang tiwala ng Siyete kay Mark, kaya masaya ang aktor.

Sabi nga, mas sisikat nang husto si Mark sa fantaseryeng ito.

***

Nai-excite at tila kinikilig si Kyla kapag kinukulit siya ng mga manunulat tungkol sa napipintong kasal daw nila ng basketbolistang si Rich Alvarez.

Tila kinikiliti nga si Kyla kapag ang kasal ang pinag-uusapan. At parang hindi na rin siya makapaghintay sa gagawing marriage proposal sa kanya ni Rich.

Sa ngayon kasi, bagama�t ang mga taong malalapit sa kanila ay may ideya na sa gagawing marriage proposal ni Rich kay Kyla, clueless pa rin ang dalaga.

Sa grand opening ng bar ni Jay-R, ang Rock Candy (Makati), napag-usapan na nila ni Rich ang tungkol sa kasal. �Yun nga lang, hindi pa raw masyadong seryoso ang usapan nila.

Aminado si Kyla, medyo hindi pa siya ganu�n kahanda sa pagpapakasal. Pero, kung ang mga kilos at ang pagkislap ng kanyang mga mata ang papansinin mo, malaki ang posibilidad na tanggapin na niya ang alok na kasal ni Rich kung saka-sakali.

Well, ang magaganap na kasal nina Danica Sotto at Mark Pingris ang nakadagdag sa excitement ni Kyla na magpakasal kay Rich.

Source: Abante