|
|
| Rufa at Jessa, sabunutan sa Mayo!![]() Author: Ruel Mendoza HINDI pumayag si Rufa Mae Quinto na hindi siya magsalita sa muling pagsalita ni Jessa Zaragoza sa Startalk kaugnay pa rin sa naging tell-all interview ni Rufa Mae sa YES! Magazine. Muling sinabi ni Rufa Mae na kung ano ang lumabas sa interview niya sa naturang magazine ay buong katotohanan. Wala raw karapatan si Jessa na paratangan siyang sinungaling dahil wala raw siya sa kanyang tabi noong mga panahon na iyon. “Nakakalokah siya, hindi na siya tumigil, 'di ba? Ano ba talaga ang gusto niya?” naiinis na natatawang pahayag ni Rufa Mae. “Hindi ba tapos na yang issue na 'yan? Hindi ba tinapos ko na 'yan two weeks ago pa? Sinabi ko naman na bibili ako ng 100 copies ng album niya, 'di ba? Ha! Ha! Ha! Ha! “Kasi 'yun naman ang gusto niya. 'Yung magkaingay ang album niya. Tutulungan ko na nga siya sa sales! Ha! Ha! Ha! Ha!” malakas na tawa pa niya. Kinalokah nga nang husto ni Rufa Mae ay ang mga sinabi ni Jessa na hindi pa raw siya Rufa Mae Quinto ay Jessa Zaragoza na siya. At mas matagal daw siya sa industriya kesa kay Rufa Mae. Kung 15 years ito, 17 years naman daw si Jessa. “Diyos ko, pati ba naman ang bilangan ng taon sa showbiz, eh big issue sa kanya! Eh 'di mas matanda siya. Masaya na ba siya? Ha! Ha! Ha! Ha! “At least ako, isa lang ang name na ginamit ko noong mag-showbiz ako at hindi ako nag-change ng pangalan, huh! Tsaka bago pa man siya naging Jessa Zaragoza, naku eh nagbida na ako sa Gloria, Gloria Labandera at kumita 'yon, 'no! Ha! Ha! Ha! Ha! “Lahat ng pinagbidahan ko ay kumita sa box-office. Eh siya ba, noong naging Jessa Zaragoza siya kumita ba mga pelikula niya? Kalokah, 'di ba? Ha! Ha! Ha! Ha!” walang katapusang pagtawa ni Rufa Mae. Sa buwan ng May nga raw uuwi si Jessa kasama ang asawa nitong si Dingdong Avanzado. Nais daw ni Jessa na harapin si Rufa Mae at hindi raw ito magsasayang ng dolyares niya para tawagan siya sa telepono. Naku, mukhang aabot sa sabunutan ang iringan ng dalawa, ha! “Kung gusto niya akong harapin. Eh, 'di go! go! go! Ako naman handa ako kahit kelan. Ayaw daw niyang gumastos, eh bakit siya tawag nang tawag kung kani-kanino para lang ma-phone patch siya? Kalokah siya, 'di ba? “Pero haharapin ko siya depende sa schedules ko! Ha! Ha! Ha! Ha! Source: Abante |