Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Ruffa, Doc Manny Calayan bati na

Author: Alex Datu

Medyo naiilang pa si Doc. Manny Calayan nang kumpirmahin na-min sa kanya kung totoong magkabati na sila ni Ruffa Gutierrez noong nag-guest siya sa Ruffa & Ai.

Agad namang sinabi ni Doc Manny na hindi naman sila nag-away ng dati nitong premiere celebrity endorser at nilinaw nito na buong puso nitong naintindihan ang ginawang hakbang ng aktres.

Hindi siya nagtampo sa aktres kaya medyo apektado siya sa mga naglalabasang publicity sa "pag-iwan" sa kanya ng aktres at paglipat sa karibal na beauty clinic.

Halatang masaya si Doc Manny sa kanilang pagbabati ni Ruffa dahil all smiles siya habang nagkukuwento.

Aniya, nagulat siya nang tinawag ang kanyang pangalan para umakyat sa stage na sinalubong ng malakas na palakpakan ng mga tao sa loob ng studio.

Lalo na nang biglang sumigaw si Ruffa at nag-dialogue ng, "Hi doc, I miss you na! Galit ka ba sa akin?"

Nasundan daw ito ng pagyayakapan ng dalawa na ikina-shock ng lahat.

Matapos ito ay umaatikabong tsikahan ang nangyari sa dalawa.

Ang lutong ng tawa ng cosmetic surgeon ng mga sandaling 'yun habang kausap namin sa kanyang branch sa Timog Avenue sa second floor ng Torre Venezia Building.

* * *

Isa nang full-pledged artist ng Star Records si Jericho Rosales.

Kamakailan lamang ay lumagda ito ng kontrata sa nasabing recording outfit.

Kasama ng magaling ding aktor sa pagpirma ang kanyang manager na si Angelie Pangilinan-Valenciano at Annabelle Regalado ng Star Re-cords.

Hindi natapos ang nasabing pirmahan nang hindi nito nasagot kung sinong "K" na lumabas sa interview nito sa isang glossy magazine.

May mga humuhulang si Kristine Hermosa ito dahil sa hindi nito pag-amin sa relasyon nila ni Oyo Sotto o dahil wala nang bisa ang kasal nito kay Diether Ocampo.

May ilang nag-iisip din na si Karylle ito dahil sa pahayag ang aktor na type nito ang ex ni Dingdong Dantes.

Pati si Madam Suzette Arandela ay nahingan ng kanyang vibration kung totoong may gusto si Echo sa magandang da-laga ni Zsa Zsa Padilla.

At kinumpirma nitong totoong may gusto si Echo kay Karylle at ang dalaga na nga sinasa-bing "K" ni Echo.

Pero isa raw ang totoo.

Ang isang mahiwagang "K" sa buhay ni Jericho ngayon ay walang iba kungdi si Kristo.

Amen to that!

Source: Taliba