Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Ruffa Gutierrez 'di excited sa pulitikong 'ibinubugaw' ni Kris Aquino

Author: Ambet Nabus
Column: Showbiz Extra

SI Makati Councilor Junjun Binay pala ang sinasabing bagong nanunuyo kay Ruffa Gutierrez.

Yup ang nabyudong pulitiko ng Makati City ang balitang siyang inirerekomenda ni Kris Aquino para sa kaibigan. Ito ang kumpirmadong nag-assist kina Ruffa sa pagpaparehistro sa naturang lunsod (alongside with 40 more other friends nina Ruffa) at nag-treat sa kanila sa isang sikat na restaurant after.

Bongga! Pero hindi raw 'yon masyadong na-ka-excite sa actress-host dahil balitang sa iba ni-to ibinabaling ang atensyon. Meaning, ibang manliligaw na diumano ay siyang dahilan kung bakit extra blooming at ganda si Ruffa now. Kahit nga raw si Annabelle Rama na kilalang laging may sinasabi on Ruffa's romance ay natahimik bigla dahil tila 'feel' nito ang bagong aura ng anak.

* * *

WALANG malaking seleb-rasyong naganap nitong Nov. 3, kaarawan ng aming dearest idol-friend na si Gov. Vilma Santos.

Simpleng misa ng pasa-salamat at salu-salong mga native na pagkain lang ang pinagsamahan ng mga opis-yal ng Batangas at consti-tuents ng butihing Gobernadora, at pagkatapos ay nag-usap-usap na sila ng mga ilu-lunsad na programa para sa rehabilitasyon ng probinsya na sobrang sinalanta ng mga bagyo, lalo na ni Santi. Kesa nga naman magpabongga pa at gumastos, 'di sa mga prog-ramang pagbangon na lang ng probinsya ilaan ang budget. Isang katangi-tanging ba-gay na sobra naming mina-mahal kay Ate Vi.

Happy, happy birthday, Ate Vi. Labyu so much!

* * *

SAMANTALA, magbubukas na ang 2009 Cinema One Digital Film Festival sa Gateway Mall Cinema sa Araneta Center, Cubao nga-yong Nov. 13 at tatakbo hanggang Nov. 17. Ang ina-abangang awards night ay gaganapin sa Nov. 15 sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Sa pangunguna ng Director for Programming na si Ronald Arguelles, siguradong malaking event itong digital film festival ngayong taon na siya ring kasabay ng selebrasyon ng 15th Year Anniversary ng Cinema One. Mapapanood din sa festival ang mga nanalong Originals tulad ng Confessional, Tambolista, Dose, Altar at Yanggaw. Dagdag pa rito ang theatrical features ng piling classics mula sa multi-awardee filmmakers na sina Danny Zi-alcita at Brillante Mendoza. Maingat na pinili mula sa 100 entries, mayroong li-mang (5) fina-lists ang festival ngayong taon: Ang Ma-ximus and Minimus ay 'sweet comedy' mula sa di-rektor na si Nap Jamir at Jimmy Flores. Isa itong ko-medya ng kalabisan at kakulangan na mararanasan ng isang babaing kailangang magbagong-buhay. Ang Pa-ano Ko Sasabihin ay isang romantic comedy ni writer-director Richard Legaspi kung saan may chemistry sa pagitan ng dalawa, gamit hin-di ang salita kundi sign language, puso at kasiyahan. Si Ray Gibraltar naman ang nagdidirehe ng Wanted: Border, horror-drama kung saan ang mga taong naghahanap ng kapayapaan ay siya pang magpapasimula ng kaguluhan. Ang writer-director na si Melvin Brito na-man ang nasa likod ng Bala Bala, isang mystery-fantasy na siyang sumusunod sa kuwento ng dalawang manggagamot na makahahanap ng isang bagay na hindi nila ma-aaring takasan. Si Baning, Si Maymay at ang Asong Si Bobo ay children's film para sa adults mula sa wri-ter-director Rommel Tolentino kung saan buhay ng tat-long karakter ay pinagtahi-tahi. Ang 2009 Cinema One Originals ay makapaglilibang, magpapalawak din ng kamalayan na prinodyus at pagmamay-ari ng Cinema One Cable Channel and the Creative Programs, Inc. sa pamamagitan ng annual film festival project.

Source: Taliba