|
|
| Ruffa Gutierrez talks about her dad and his alleged woman texter![]() Author: Julie Bonifacio Kinumusta ng ABS-CBN.com si Ruffa Gutierrez sa latest development sa kanyang ama na si Eddie Gutierrez pagkatapos sumailalim sa isang maselang operasyon sa puso. Sa umpisa raw ang malungkot ang buong pamilya nu'ng malaman nila na maysakit ang kanyang Daddy Eddie. "But being the eldest in the family kailangan maging strong ako, maging positive ako. So, gusto ko lang sabihihn sa lahat na buti na lang nalaman namin ng mas maaga. Kaya nga tayo nagpapa-check-up para makita kung may diperensya ang katawan mo, kung maysakit para we can heal it and make pagamot. So, ah, nu'ng nalaman namin na merong heart problem si Daddy natakot kami. Pero ang good news nga nagkaroon na siya ng angioplasty and very successful naman. So, now he's healing and masaya kaami kasi sbai niya he can breathe better, he can smell better at ska afeeling niya talaga bago ang puso niya" bungad ni Ruffa. Masaya sina Ruffa dahil so far umaayos naman ang kalagayan na ng kanyang ama. "Nasa bahay siya ngayon. Actually, he walks na. He's able to laugh at talagang gwapong-gwapo pa rin. Talagang masasabi ko na kung ano 'yung nagagawa sa Amerika, pwede ring gawin dito sa Pilipinas. At magagaling na rin ang mgadoktor natin dito." Does this mean na hindi na muna magtatrabaho ang Daddy niya for a long time? "Well, kasi 'yung taping niya pinull-out na siya ni Mommy (Annabelle Rama). Kaya nga siguro nabalitaan 'yon kasi ayaw talaga sana naming sabihin ang kalagayan ng Daddy ko but lumabas agad sa news because of St. Luke's. Siyempre may mga high profile na patient din doon. Tapos pinull-out pa ni Mommy si Daddy sa show niya sa kabilang network. Kasi nga ang role niya very physically demanding. Hindi siya pwedeng sumigaw, tumakbo. Eh, 'yung mga eksena pa naman niya sa Subic that day bumabaril siya sa isnag kamay tapos 'yung isa naka-cane. So, may hinahabol siya. So, mabuti na lang hindi na siya natuloy doon." Kasunod ng pagpapa-opera ng Daddy ni Ruffa ay ang nakatakda namang pag-alis papuntang Amerika ni Annabelle. "Well, ang Mommy ko naman may problema noon pa. Takot talaga siyang magpa-doktor. Takot talaga magpa-check-up. May mga taong ganu'n, e. So, we were already convincing my Mom na magpa-check-up na siya. So, ayun, after her birthday sabay silang nagpa-check-up ng daddy ko. Malalaman pa namin next week kung ano ang kailangang gawin sa kanya." Ano ang sakit ng Mommy niya? "It has something to do with her lower abdomen. Pero ayoko munang magbigay ng details. Siyempre ayoko namang i-exploit ang sakit niya pero ang importante naman diyan magamot at ipagdasal natin ang kanyang paggaling." So may kinalaman ba dito ang pagpunta ng Amerika ng Mommy niya? "Well, gusto niyang pumunta sa States kasi 'yung kapatid niya nandu'n. Her brother is a surgeon in Houston. So, doon talaga siya humihingi ng advice. Doon siya komportable. Tayo kasi whenever we choose a doctor I think we should go to somebody whom are comfortable with. So, ah, I think doon siya masaya at doon siya magiging komportable I think doon siya pupunta." Kailan aalis ang Mommy niya? "Dapat aalis siya this week pero kukuha pa siya ng second opinion dito sa Manila." Inamin din ni Ruffa na natawa siya at hindi na-hurt sa sinabi ng kanyang ina na konti lang ang nai-share niya financially sa gastusin ni Eddie sa ospital. "Sobra naman siya, ha. Actually, natawa talaga ako doon. Si Mommy talaga kahit in times of ano, kalungkutan, she manages talaga a way na magpatawa. Natawa talaga kami. Pati tuloy si Kris hindi na tumulo ang luha niya. Uh, well, at least nagbigay 'di ba? I'm sure she was joking lang naman. Siyempre hindi naman pwedeng ikumpara ang sweldo ko sa sweldo ni Richard (Guiterrez) and of course may dalawa akong cute na bagets na pinapaaral, pinapakain. So, nainintindihan naman niya 'yon na kahit na ano'ng tulong ko, ah, basta from the heart ina-accept naman nila." Sa kabilang banda, nagulat na ba siya nu'ng mabalitaan niya na may bagets na nagti-text sa Daddy niya? "Acutally, sinabi ni Mommy sa akin. Sabi niya, 'Naku, malungkot ako. Hindi lang dahil sa heart ng Daddy mo pero nahuli ko siya.' 'Na alin?' sabi ko'ng ganu'n. 'May mga ka-text siya at parang mga Bisaya rin ang boses.' "Sabi ko, 'Paano mo alam?' 'Maingay, para talaga siyang nasa club,' sabi ni Mommy. Wild na ang imagination niya. Sabi ko, 'Really? Ano sabi?' Hello, Love! Pauwi na ako, Love! ' 'Are you sure na tawag kay Daddy 'yun? Baka naman worng number?' So, finally, papunta na si Daddy sa hospital sinabi niya, 'Alam mo Eduardo, may mga nagti-text talaga sa 'yo. Sabihin mo tigilan na nila 'yan.' 'Sino 'yun?' Talagang concerned na concerned si Daddy when they were talking. Ako hindi ako naniniwala kasi I told nga my Mom, as soon as pagkadilat ng mata ng Daddy ko, uhm, and he was rolled out of the operating room, si Mommy ko ang una niyang hinawakan ang kamay. At nilapit niya 'yung kamay ni Mommy. Pati 'yung cheek niya hinalikan niya. So, alam ko na mahal na mahal ng Daddy ko si Mommy. 'Yun naman ang dream niya ever since 'di ba? So, 'yun hindi ako naniniwala. Baka nagka-ano lang wrong send, wrong number 'di ba? Nakakaaliw sila 'di ba?" natatawang pagkwe-kwento ni Ruffa. Kamusta naman siya sa lahat ng nangyayaring ito? "Well, ako naman, thank God healthy. Hahaha! Malungkot lang ako lately kasi siyempre importante talaga ang good health 'yun. Dapat lagi nilang isipin 'yon and dapat lahat ng kinakain natin conscious tayo. Sad lang ako lately kasi siyempre mahal namin ang Daddy, ang Mommy. So, it's a trial in the family. Sa buhay naman iba-iba ang trials natin. 'Yung iba financial, 'yung iba health, 'yung iba sa puso. Sa amin naman ngayon kahit na okay kami sa aming mga career, sa health naman ang mga problema," tapos ni Ruffa. Source: ABS-CBN Interactive |