|
|
| Ruffa, Richard at JC, out sa 100 Most Beautiful StarsAuthor: Nitz Miralles Dumating sa pa-siyam kay Douglas Quijano na bigay ni Mother Lily Monteverde at ginawa sa Imperial Palace Suites ang karamihan sa talents ng pumanaw na talent manager. Malungkot pa rin ang mga mata nila, pero nakakahalakhak na sina Richard Gomez at Joey Marquez. Si Lucy Torres-Gomez naman, first time nakatulog nang maayos noong Saturday evening. Ka-table namin si Jomari Yllana, na ibinalitang nabigyan na sila ng ashes ni Douglas at nag-suggest siyang isang urn na lang para sa kanilang magkakapatid, na sinunod naman. Isa para kina Janice at Gelli de Belen at isa kina Richard at Lucy. Sabi ni Jomari, hindi natuloy ang meeting nila last Sunday at 'di pa alam kung kailan sila magmi-meeting para pag-usapan at pumili ng manager na ipapalit nila kay Douglas. Pag-uusapan din nila kung saan gagawin ang 40th day ni Douglas sa July 24. * * * Understandable kung bakit wala sa istahan ng 100 Beautiful Stars ng Yes! magazine ang magkapatid na Ruffa at Richard Gutierrez at si JC de Vera, dahil nga may kaso ang editor-in-chief na si Jo-Ann Maglipon kay Richard at kay Annabelle Rama. "Mga intrigera kayo" lang ang sagot ni Jo-Ann sa tanong ng press kung bakit wala sa list ang tatlong nabanggit. Cover ng magazine at napiling pinakamagandang artista this year si Marian Rivera, na honored sa pagkakapili sa kanya at malaking karangalan ang binigay ng mag. Walang ranking at according to categories ang pagpili ng 100 Most Beautiful Stars para maiwasan ang reklamo at intriga. Nasa newsstand na ang magasin at mabibili na. Kasama rin sa listahan si Karylle at sa tanong kung babatiin niya ang ex ni Dingdong Dantes 'pag nagkasalubong sila, ang sagot ni Marian: "Hindi ko alam, ayaw kong pangunahan ang sitwasyon na 'di pa nangyayari. " Samantala, sa Thursday na magpi-fitting si Marian ng costume niya para sa Darna at July na raw ang start ng taping. Tama ba ang dinig namin na Singaporean designer ang gagawa ng costume ni Marian? Habang wala pang taping, tuluy-tuloy ang training niya at wish nitong may makalaban din siyang lalaki sa show para mas exciting. * * * Nagre-request ang viewers ng Adik Sa 'Yo na ilagay sa mas maagang time slot ang rom-com series dahil karamihan sa nanonood ay mga estudyante. Wala pang balita kung aaksyunan ng GMA-7 ang request. More Batangas scene rin ang request ng viewers dahil tuwang-tuwa sila sa Batangueño accent ni Dennis Trillo at sa husay umarte ng actor at mga kasama sa eksena. Mamaya, magpa-panic si Carlos (Marvin Agustin) nang malamang buntis si Joana (Jolina Magdangal) at gustong magpunta sa New Zealand. Gusto na ring aminin ni Joana sa amang si Luigi (Joey Marquez) na buntis siya. Masusunog ang bahay nina Ruben (Dennis) at si Karen (Jennica Garcia) ang sisisihin, na this time, ginagayuma ang binata at akala'y nagwu-work ang panggagayuma niya. Samantala, showing na sa July 18, 9 p. m. , sa SSP Main Theater ang first indie film ni Dennis na Astig, kung saan role ng isang hustler ang ginagampanan. Kasama niya sina Sid Lucero, Edgar Allan Guzman at Arnold Reyes. Guests sina Mariel Rodriguez, Bianca Gonzales, Sitti, Vhong Navarro, Gardo Versoza, Pooh at Ai-Ai de las Alas. Sina Boy Abunda at Boy So ang executive producers ng movie. Sabi ni Noel Ferrer, producer at in-charge sa project: "Astig promises to be the biggest indie digital project to date with a modest budget at labor of love ng cast, crew at staff. " * * * Two years nang host ng Showbiz Central si Raymond Gutierrez at masaya ito sa takbo ng show at sa freedom na ibinibigay sa kanya to ask his own questions 'pag may ini-interview siya. Aside from his segment, favorite ni Raymond ang segment na Don't Lie to Me dahil masaya at sumasayaw si John Lapus. Hindi ba siya naapektuhan 'pag pamilya niya ang inire-report sa Showbiz Central? "I'm not gonna lie na minsan nakaka-pressure at kailangan kong balansehin ang pagiging host ko and being a part of my family. Tina-try ko laging maging balanse. " Okey lang kay Raymond kung naggi-guest ang mom niyang si Annabelle Rama sa The Buzz, na ang isa sa mga host ay si Ruffa Gutierrez, dahil 'di kakumpetensya ang tingin niya sa kapatid at kina Boy Abunda at Kris Aquino, pero ipinagmalaking madalas silang manalo sa ratings. Sa bahay na uli ng mga magulang nakatira si Raymond for five months now at masarap daw na pag-uwi niya, may nakahanda nang food at paggising niya'y pamilya agad ang nakikita. Malapit din sa bahay nila ang bahay ng friends niya. Source: People's Tonight |