Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Ruffa at Annabelle, napagbati ni Richard Charice, pasok sa Billboard Hot 50

Author: Jojo Gabinete
Column: The Source

Ex-mayor ng Pagsanjan, Laguna ang former Makati policeman na si Abner Afuang, ang lalake na gumawa ng eksena sa Senate inquiry tungkol sa mga sex video ni Hayden Kho, Jr. noong Huwebes.

Sa interview kay Afuang, sinabi nito na binuhusan niya ng tubig sa ulo si Hayden dahil baboy ito. Masyadong natangay ng kanyang emosyon si Afuang dahil nagkamali pa siya ng sinabi.

And we quote, “Hindi dapat magtagal sa mundo ang ganyang 'babae'”.

Imbes na salitang lalake, babae ang ginamit ni Afuang kaya parang si Katrina Halili ang tinukoy ng kanyang pa­nanalita.

Naging agresibo si Afuang. Unwittingly, na­tu­lungan pa niya si Hayden para makakuha ito ng simpatiya mula sa ibang mga tao.

May mga naawa kay Hayden. Marami ang na­galit sa ginawa ni Afuang.

Buong ningning na sinabi ni Afuang na na­galit siya kay Hayden nang mapanood niya ang sex video ng doktor at ni Katrina dahil naalaala niya ang kanyang nag-iisang anak na babae.

Pinag-uusapan nga­yon ang pagnanakaw ni Afuang ng eksena sa Senado.

Huwag tayong magulat kung mabalitaan natin na muli siyang kakandidato sa susunod na taon.
***

Hindi lamang ang pagbubuhos ni Abner Afuang ng tubig sa ulo ni Hayden ang nakatulong para makakuha ito ng simpatiya.

Big help din ang pag-iyak ni Hayden sa interbyu sa kanya ni Karen Davila at ang pagsubaybay ni Mariz Umali at ng GMA 7 camera sa bawat kilos ni Hayden bago ito pumunta sa Senate inquiry.

Napanood sa national TV ang pagpapaalam at paghalik ni Hayden sa noo ng kanyang lola na maysakit at ang taimtim na pagdarasal nila ng kanyang ina sa simbahan.

Very powerful medium ang telebisyon. Ma­laki ang epekto ng pagpapakita kay Hayden habang nakaluhod, nagdarasal at nakapatong ang kanyang mga kamay sa Bible.

Of course, malaking bagay rin ang pagpapasuot sa kanya ng white polo shirt. Kulay puti ang simbolo ng kalinisan. Lalong naging maamo ang itsura ni Hayden dahil sa white polo shirt na ginamit niya. Plus factor din ang kanyang malinaw at hindi paliguy-ligoy na sagot sa tanong ng mga senador.

Likas na mapagpatawad at malambot ang puso ng mga Pi­lipino. Scripted man o hindi ang mga kilos, pananalita, pagsisimba o ang pagbubuhos ng tubig kay Hayden, nakatulong ang mga nabanggit na scenario at sitwasyon para makakuha siya ng awa mula sa mga tao, sa kabila ng kanyang mga ginawang pagkakamali.

That's what we call “Image Building 101”.
***

May tampuhan ang mag-inang Annabelle Rama at Ruffa Gutierrez nang maaksidente si Richard Gutierrez noong nakaraang linggo.

Pero nagkabati ang mag-ina dahil sa trahedya na naranasan ni Richard.
Sa recent interview namin kay Richard, inihayag niya ang katuwaan sa pagkakasundo ng kanyang ina at kapatid.

“Pagdating ko sa Asian Hospital, nagulat ako magkasama silang dalawa na dumating. Si­yempre, nakakatuwa, nag-uusap sila.

“Habang nakahiga ako sa kama, nakadilat ang mata ko. Tinitingnan ko sila, nag-uusap. Nakakatuwa. Finally, bati na sila, nag-uusap na sila. I am very happy,” ani Richard.

Nagbabakasyon sa Europe ang twin brother ni Richard nang maganap ang aksidente. May mga kuwento na nararamdaman ng isa't isa kapag may nangyayari na hindi maganda sa kanilang kakambal.

Sa kaso nina Richard at Raymond, walang naramdaman o naging pangitain ang huli.

Ayon kay Richard, nagkausap sila ni Raymond noong nasa Europe ito at wala raw anumang kakaibang naramdaman ang kanyang kakambal nang maganap ang aksidente.
***

Number 44 sa Billboard Hot 50 ang Note To God, ang single ni Charice na composition ng award-winning song writer na si Dianne Warren.

Malaking karangalan para sa young Filipina singer na makabilang sa listahan ng Hot 50 ng Billboard ang kanyang single.

Meanwhile, tatlong kanta ng American Idol winner na si Kris Allen ang nasa Billboard Hot 50, ang No Boundaries (number 11), Heartless (number 16) at Ain't No Sunshine (number 37). Nasa number 19 position naman ang Mad World ni Adam Lambert, ang runner-up ni Kris.

Hindi natitinag sa number 1 position ang Boom Boom Pow ng Black Eyed Peas. Member ng grupo ang Filipino singer na si Apl.de.Ap. Ang Billboard ang most trusted chart ng American music industry.
jojogabinete@yahoo.com.

Source: Abante