|
|
| Ruffa at Purefoods import, nakipag-double date kina Kris at JamesColumn: Basta MAGARBO ang presscon ng Ako si Kim Samsoon na ginawa sa Diamond Room ng Glass Garden sa Pasig City. Pati ang cast natuwa sa preparasyong ginawa ng GMA-7 na ayos ang lahat mula sa food at presentation. Inayos na higanteng cake ang stage at sa gitna nito lumabas si Regine Velasquez while singing Maybe It's You, theme song ng rom-com o romance comedy series na magpi-premiere sa June 30. Nakatutuwa si Regine rito at walang pakialam na pumangit mapaganda lang ang eksena. Kinontra nito ang mga nag-akalang wala silang chemistry ni Mark Anthony Fernandez. Nagreklamo nga itong hindi pa niya napagsasamantalahan ang actor, dahil smack lang ang kinunan sa kanila ni Direk Dominic Zapata. Puring-puri ni Regine si Mark as somebody na mabait, gentleman, mapagbigay, guwapo at concentrated sa trabaho. Nagkatuwaan pala sa solo interview kay Regine. Tinanong ito kung anong food siya kung pagkain siya? "Cake, chocolate cake, 'yun ang gustong kainin ni Ogie (Alcasid). Mahilig siya sa chocolate, kaya lagi akong may dala noon sa bag. " Kung pagkain naman si Ogie, anong pagkain siya? "Isang bonggang-bongga at malaking hotdog," sagot nito, na sinundan ng tawa. Actually, sinakyan lang niya ang biro ni Rey Pumaloy na hotdog si Ogie, dahil sa business nitong Ogie-Doogie Hotdog. Ang lalaswa ng press talaga! *** NATUPAD sa Ako si Kim Samsoon ang dream ni Mark Anthony na gumawa ng comedy at plus factor sa kanya na maganda ang project at makapareha si Regine Velasquez. Ikinumpara nito kay Michael Jackson si Songbird na mahirap maabot at mahawakan, pero sa series nila, mahahalikan pa niya. Hindi kaya magselos si Ogie Alcasid at ang wife ni Mark sa sinabing one of the best things na nangyari sa kanya sa showbiz ay ang mahalikan si Regine, although smack pa lang ang ginawa nila at wala pa ang marami at totohanang halikan? How is he after the death of his dad (Rudy Fernandez)? "Okay naman, generally 'di pa ako okay. Iniisip ko na lang lagi ang bilin ni Papa na alagaan ko ang mga anak ko at 'pag trabahu-trabaho para maganda ang resulta at lagi akong magsipag. Mahirap nang muli akong mag-taping, pagkatapos ng pa-nine days niya at lahat ng ginagawa ko ngayon, siya ang iniisip ko. Sabi ng friends ko, kalimutan ko na ang nangyari sa Papa ko, 'di ko puwedeng kalimutan 'yun at di ako papayag kalimutan," say nito. *** CUTE ang paglalaglagan ng mag-inang Annabelle Rama at Ruffa Gutierrez sa presscon ng My Monster Mom na kahit totoo'y nakakatawa pa rin. Ganu'ng mga eksena ang mapapanood sa pelikula at sabi nga ni Eugene Domingo, hindi niya alam kung nasa script o umaarte pa rin ang mag-ina. "May brain na ako to decide kung kanino ako iibig at 'di iibig and as of now, wala pa akong iniibig, ang sarili ko muna ang mamahalin ko," hirit ni Ruffa. Nilinaw din nitong admirer lang niya at hindi manliligaw ang Moroccan import ng Purefoods na si Reda Rhalimi na nagbigay ng Ecuadurin roses noong birthday party na bigay ng Belo Medical. Si Kris Aquino ang nagpakilala sa kanya sa 7-footer guy na tama kami na ito ang kasama niya sa double date nila nina Kris at James Yap sa isang restaurant sa Greenbelt 5. Pero, itinanggi niya ito nang aming itanong sa shooting ng My Monster Mom noon. *** HINDI na-offend si Precious Adona sa payo ni Maui Taylor na more acting workshop para mas gumanda ang kanyang acting. 'Yun daw ang gagawin niya para sa next movie niya, kakitaan siya ng improvement sa acting. Magkasama ang dalawa sa Torotot, pero ayaw pumayag ni Maui na support siya ni Precious, dahil pareho raw silang bida sa pelikula. Pareho rin silang may boobs exposure at matitindi ang love scenes kina Yul Servo (Maui) at Anton Bernardo (Precious). May love scene rin si Maui with Baron Geisler na dog-style. Isa raw ang nasabing eksena sa mga iniklian para pumasa ang movie sa R-13 ng MTRCB. Inusisa rin si Maui ng press kung bati na ba sila ni DJ Mo Twister, at negative ang sagot nito. Carry daw niya mag-guest sa Showbiz Central, kung saan isa sa hosts si Mo, basta para sa promo ng Torotot. Depende na raw sa magiging first encounter nila ang magiging reaction ni Maui sa DJ-TV host. Kung ano raw ang ibato ni Mo sa kanya, ganu'n din ang isusukli niya. Ibig sabihin, kung babatiin siya nito, babatiin din niya. Kung hindi naman, dedma rin siya. Hindi na rin daw siya nagde-demand o nag-e-expect ng apology mula kay Mo, dahil para sa kanya, non-existent itong tao. Nabanggit din pala ni Maui na tinanong siya ni Precious kung bakit dalawa lang ang love scenes niya, kumpara sa kanya na lima? "Ang sabi ko, kailangan niya ng maraming love scenes, dahil introducing siya rito at maraming plano sa kanya ang Viva Films. Kailangan niyang magpa-sexy, ako tapos na roon. Hindi reklamo 'yun, nagtanong lang siya. Showing sa July 23, ang movie directed by Maryo J. delos Reyes at may screening sa UP Film Center sa July 15. Kapag napanood ang movie, saka malalaman kung sino ang mas sexy kina Maui at Precious, sino ang mas malaki ang boobs, at sino ang mas daring. May sagot dito si Direk Maryo, pero 'di na namin isinulat para wala nang intriga. Source: People's Tonight |