|
|
| Ruffa, hindi nami-miss ang lalaki! Aktres, lulong pa rin sa droga!![]() Author: Jojo Gabinete BIKTIMA ng self-pity ang dating sikat na aktres dahil may reaksyon ito kapag hindi siya napapansin ng ibang mga bisita sa isang big showbiz event na dinaluhan niya. “Talagang ganyan... hindi ko na panahon,” ang pauli-ulit na sinasabi ng dating aktres na ikinairita ng kanyang mga kausap. Ang aktres ang dapat sisihin sa pagbagsak ng kanyang career dahil naging pabaya siya. Pumasok sa ulo niya ang matinding kasikatan at nalulong siya sa paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot. Napansin din ng mga kausap ng aktres ang habit nito na i-grind ang kanyang mga ngipin. Ang kanilang conclusion? Hooked pa rin sa drugs ang aktres dahil hindi normal ang kanyang mga ikinikilos at ugali. Ang magsimba sa Victory Christian Fellowship ang kanyang mga magulang ang Christmas wish ni Ruffa Gutierrez. Debotong Katoliko ang mag-asawang Eddie Gutierrez at Annabelle Rama, pero gusto ni Ruffa na maranasan ng mga magulang niya ang magsimba sa Christian community na kinabibilangan niya. Maliban sa pagdalaw nina Eddie at Annabelle sa Victory Christian Fellowship at digital camera dahil sira na ang kanyang kamera, walang ibang Christmas wish si Ruffa. “Ayoko ng boyfriend. Pampagulo lang 'yan. I'd rather enjoy my freedom. Hindi ko nami-miss ang magkaroon ng boyfriend. Date? Wala nga akong time na magpa-facial 'no, ang makipag-date pa?” ang natatawang sabi ni Ruffa. Tiniyak ni Ruffa na magiging memorable para sa kanyang pamilya ang nalalapit na Pasko. Magkakaroon sila ng Thanksgiving mass at siya raw ang maghahanda ng Noche Buena. Mga healthy food ang kanyang ihahanda dahil marami nang bawal kainin ang kanyang mga magulang. Ibinalita ni Ruffa na magkakaroon ng Thanksgiving Party ang Royal ERA Entertainment Inc. sa January 2009. Hinihintay muna nila ang ganap na paggaling ni Annabelle Rama dahil ito ang personal na mag-aasikaso sa raffle prizes para sa Thanksgiving Party. Kung hindi raw makikialam si Annabelle at silang magkakapatid lang ang in-charge sa Thanksgiving party, baka mamon at cookies lang ang ipa-raffle nila sa entertainment press. Ang nadagdagan na timbang ni Mark Herras ang napansin ng mga bisita sa blessing ng Flawless branch sa East Wing ng Robinson's Galleria. Ikinuwento ni Mark na lumalaki na ang kanyang katawan dahil naging masipag na siya sa pagpunta sa isang gym sa Quezon City. Ang maging physically fit ang isa sa mga goal ni Mark. Natutuwa siya dahil mabilis na nagbunga ng maganda ang frequent visit niya sa gym. Nadagdagan na raw ng 10 pounds ang kanyang timbang. Comedy of errors ang description sa One Night Only, ang official entry ng Octoarts Films sa 2008 Metro Manila Film Festival. May official website ang One Night Only (www.onenightonlymovie.com)at puwedeng i-download mula dito ang synopsis ng pelikula at mga litrato ng One Night Only girls, sina Diana Zubiri, Jennylyn Mercado, Katrina Halili, Valerie Concepcion at Alessandra de Rossi. Source: Abante |