|
|
| Ruffa, idinepensa ni John LloydAuthor: Nitz Miralles Sa kanyang latest K-text, nagpasalamat si Ruffa Gutierrez kay John Lloyd Cruz sa isyu sa kanila, na wala siyang kinalaman sa break-up nito at Liz Uy at idinepensa siya sa malisyosang tsismis. Ang alam namin, friend ni Raymond Gutierrez si Liz at magkasama pa sila sa Europe, small world huh! Nakausap namin si Ruffa sa Thanksgiving Mass for Richard Gutierrez at first week of June raw ang dating ni Yilmaz Bektas at nang aming tuksuhin sa pagdating ng ex-husband, "no kilig factor" ang sagot nito. Mas excited pa ito na kasama siya sa Shake, Rattle & Roll XI, her second SR&R movie. Okey sa kanya ang plano ni Mother Lily na pagtambalin sila ni Zoren Legaspi at naloka siya sa suhestiyon ni Annabelle Rama na bakit hindi si John Lloyd ang itambal sa kanya, tutal nali-link naman daw sila. Ha-ha-ha! * * * Marami ang nainggit sa kapayatan ni Jennylyn Mercado na 28 inches na lang yata ang waistline. Hindi raw siya nagda-diet at malakas siyang kumain, pero hindi siya tumataba. Hindi rin dahil sa trabaho ang kanyang pagpayat dahil tapos na yata ang taping ng Paano Ba Ang Mangarap? nila ni Mark Herras nang simulan niya ang Suspetsa. "Kumakain po ako, tao rin ako," wika ni Jennylyn. Natuwa siya sa PBAM? dahil napatunayang may followers pa ang love team nila ni Mark at gugustuhin niyang muli itong makasama. May special place raw sa puso niya ang actor. Last week na ng PBAM? at masasagot na kung happy ang ending nina Lissa (Jennylyn) at Eric (Mark). Magkasama sina Jen-nylyn at Yasmien Kurdi sa Sus-petsa, pero ayaw nitong mag-comment sa isyu nito kay Baron Geisler. "Wala ako sa posisyong magsalita, sila na lang ang tanungin ninyo," pakiusap nito. Ayaw din munang pag-usapan ni Jennylyn kung siya ba ang makakapareha ni Dingdong Dantes sa Stairway to Heaven at gaganap na Jodi. Maaga pa raw para pag-usapan ang tungkol dito. * * * Magtatapos na this week ang All About Eve at hindi makakalimutan ni Mark Anthony Fernandez ang na-buong closeness ng cast at staff. Hindi niya makaka-limutan ang kabaitan ng lahat at isa ito sa rason kung bakit binale nito ang nakasanayang hindi pa-gdalo sa cast party. Bukod sa ayaw niyang magtampo ang EP ng soap na si Edlyn Tallada-Abuel, gusto rin niyang maka-bonding ang mga nakasama sa 13 weeks na takbo ng AAE lalo na sina direk Gil Tejada at Mac Alejandre. May go signal na si Mark na banggiting ang next project niya ay Darna at makakapareha ni Marian Rovera. Looking forward siyang makatrabaho ang actress na magaling na artista. Kuwento ng actor, natakot siya nang alisin siya sa Rosalinda at akala'y hindi muna siya bibigyan ng show ng GMA-7, kaya laking tuwa niya nang malamang kasama siya sa Darna. Samantala, sa June 7, ang first death anniversary ni Rudy Fernandez at inamin ni Mark na last month lang niya natanggap na wala nang tuluyan ang ama. Sama-sama raw sila nina Lorna Tolentino, Ralph at Renz Fernandez sa araw na 'yun. * * * Hindi na Friend of Mine, kundi All My Life ang title ng primetime soap nina Kris Bernal at Aljur Abrenica after Dapat Ka Bang Mahalin? Kagabi ang storycon at sa June 2 na ang first day taping nila at sa June 29 naman ang pilot. Sina Mac Alejandre at Andoy Ranay ang directors ng All My Life at nililinaw ni Direk Andoy na nag-apply siya sa GMA-7 at ang soap ang first project niya. Hintayin natin ang mga makakasama nina Kris at Aljur sa first primetime soap nila. * * * Birthday ng Star Magic talent na si Miles Ocampo last May 1, at ang birthday wish nito'y good health sa kanya at pamilya niya at magandang takbo ng kanyang career. Twelve palang ang bagets, pero malaking bulas at next year, puwede na siyang leading lady. Nahiya nga lang itong magbanggit kung sino ang gusto niyang leading man, pero crush niya si John Lloyd Cruz at nili-link siya kay John Manalo. Dream niyang makatrabaho si Sarah Geronimo na idol pala niya. Kasama si Miles sa BFF as the eldest daughter nina Sharon Cuneta at John Estrada. Ang bait daw ni Sharon, niregaluhan siya ng pillow at stuffed toy with letter at Starbucks thermos. Nakalagay sa sulat ni Mega na 'wag siyang maiilang lumapit dito. Regular pa rin si Miles sa Goin' Bulilit ng ABS-CBN. * * * This Monday sa i-Witness at sa episode na Book to School, sinamahan ni Sandra Aguinaldo ang mga guro ng DepEd sa paghahatid ng mga libro sa Elem Elementary School ng Keytodac, Sultan Kudarat, lugar na tila kinalimutan na. Saksihan ang saya ng mga estudyante sa pagtanggap sa mga bagong libro. Susme! Mula nang buksan ang school noong 1982, ngayon lang mapapalitan ang sira-sira at mga lumang libro na pinagtitiyagaan ng mga bata. Sabi ng DepEd, may budget para sa libro, ang problema, mahirap puntahan ang mga school na nasa liblib na lugar. Makisaya sa mga batang ngayon lang makakabasa at makakahawak ng mga bagong libro sa I-Witness pagkatapos ng Saksi. Source: People's Tonight |