Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Ruffa, inip na sa annulment kay Yilmaz!

Ruffa, inip na sa annulment kay Yilmaz!

Author: Rey Pumaloy
Column: Oh, Laban Ka?!

AYAW makialam ni Ruffa Gutierrez sa 'gulo' nina Marian Rivera, na kasama niya sa Desperadas 2, at ni Karylle, na nagpakawala ng 'makahulugang ngiti' sa The Buzz last Sunday, na kung saan ay isa si Ruffa sa mga host.

Napaiyak nga si Marian sa 'makahulugang ngiti' ni Karylle sa tanong ni Kuya Boy kay Karylle, kung totoong buntis nga si Marian, at si Dingdong Dantes ang ama.

Kuwento ni Ruffa, nung ini-interview ni Kuya Boy si Karylle ay nagtsitsikahan sila ni Kris Aquino, kaya hindi nila napanood ang interview.
“Nakakabuwisit nga kasi tapos na pala `yung interview at hindi namin napanood ni Kris. At that time, lahat ng tao sa studio nagri-react, kami lang ang hindi.

“Panay ang tanong namin ni Kris kung ano ang nangyari. So, hindi tuloy kami makapag-comment ni Kris kung tama ba `yung smile na `yon.

“Anyway, kailangan kong rebyuhin `yung interview na `yon kay Karylle, dahil I'm sure next Sunday ipi-POV namin 'yon.

“Pero, ano ba kasi 'yung smile na `yon? Hindi ko talaga alam. Marami kasing iba't ibang interpretation ang smile.

“Pero, I cannot comment on that talaga, kasi hindi naman ako ang natsitsismis na buntis!” sabi ni Ruffa.

Nilinaw ni Ruffa na hindi kontrolado ng The Buzz ang mga sasabihin ng mga guest nila, o magiging reaksiyon ng mga ito sa mga tanong nila.

“Naawa ako sa kanya (Marian) especially kung totoong hindi siya buntis!

Pero, nakita ko na from the heart talaga `yung pagi-express niya ng nararamdaman niya.

“Pero, hindi naman ibig sabihin noon na... I don't know anything about the situation, eh. I'm just telling you kung ano ang nakita ko.

“Mahirap talagang mag-comment, kasi maganda rin naman ang pakita sa akin ni Karylle. Dapat siguro sa akin mag-host na lang ng Lifestyle show o cooking show.

“Anyway, I think we should ask Karylle na lang. Dapat mag-guest ulit siya sa Sunday sa The Buzz.

“Pero, kung sa akin nangyari `yon. Ako kasi, palaban. So, kung may itatanong kayo sa akin, I'll answer straight. But not everyone is like me,” sambit ni Ruffa.

Anyway, pagdating kay Yilmaz Bektas, hindi alam ni Ruffa kung darating ito sa Pilipinas ngayong Pasko, para makasama ang mga anak nilang sina Lorin at Venice.

Pero, kahit hindi raw dumating sa Pilipinas si Yilmaz, sisiguraduhin niyang masaya ang Pasko ng mga anak niya.

“Nandito naman ako to give all the love they need. I don't know kung kailan siya pupunta. But he's free to visit the kids anytime,” sey lang ni Ruffa.

Prangkahan ding sinabi ni Ruffa na walang ibi­nibigay na regalo o suporta si Yilmaz sa kanilang mga anak.

“Nung birthday nina Lorin at Venice, parang nag-expect sila ng gift from him. Ang ginawa ko na lang... I'm sure, mababasa nila ito paglaki nila.

Pero, ang ginawa ko, bumili ako ng mga red roses for them, at kunwari, ga­ling kay Yilmaz.

“Na-touch naman sila. Natulog pa sila na katabi `yung mga red roses.”

Pero hirit ni Ruffa, `yun daw ang huling pagkaka­taon na pagtatakpan niya ang mga pagkukulang ni Yilmaz sa mga anak nila.

“Hindi ko na gagawin `yon. Kung hindi niya maalala ang mga anak niya, hindi na ako magpi-pretend.

“Ang wish ko lang, kumita ang Desperadas 2 para bigyan ulit ako ng pelikula ni Mother Lily. Para ma­bigyan ko ng magandang buhay ang mga anak ko.

“Sa totoo lang, napapagod na rin ako na pagtakpan siya sa mga anak namin.”

So, magiging malungkot ba ang Pasko niya ngayon?

“I have a happy-happy Christmas. There's no reason to feel blue. Ang daming blessings na dumarating sa akin ngayon.”

Siyanga pala, tuloy-tuloy na rin ang proseso ng annulment nila ni Yilmaz.

“Nag-usap na kami and we both consulted our lawyers. Naghihintay na lang kami ng feedback kung kailan matatapos ang annulment. Mahabang proseso pala 'yon,” sabi ni Ruffa na tila naiinip na sa magiging resulta ng annulment nila ni Yilmaz.

Sa ngayon, wala raw plano si Ruffa na magka-boyfriend. Ang uso raw ngayon ay “Single and Happy”.

Source: Abante