Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Ruffa, nag-sorry kay Annabelle

Author: People's Tonight

PEACEMAKER. Bagay na bagay ang tag na ito sa yumaong talent manager na si Douglas Quijano dahil sa mismong burol niya nu'ng isang gabi sa Heritage Memorial Park naganap ang pagbabati ng mag-inang Annabelle Rama at Ruffa Gutierrez.

'Di nga ba't sa lamay din nagkita't nagbeso ang former sweethearts na sina Jomari Yllana at Pops Fernandez?

Kahit nu'ng buhay pa, ganito, more or less, ang naging papel ni Tito Dougs sa mga kaibigan.

Anyway, may iba pang taong involved sa pagbabating Annabelle-Ruffa, gaya ng kasamahan ni Tito Dougs sa Professional Artists Managers, Inc. (PAMI) na si Ethel Ramos, na siyang kumumbinsi sa blooming na actress-TV host na lapitan at yakapin ang mommy niya.

Ganunpaman, binigyang kredito pa rin ng mga naroroon ang anila'y "kamay" ni Tito Dougs sa nasabing pagbabati.

Halos magkasabay dumating sa Heritage ang tatlong Gutierrez. Nauna lang ng ilang segundo ang mag-asawa, sumunod ang anak.

Kuwento ni Tita Annabelle, sinadya niyang magpa-late para nga hindi makasabay si Ruffa. Kaya, laking gulat niya nang halos sabay pa rin silang dumating sa Heritage.

Si Ruffa naman, 15 minutes nag-stay sa sasakyan dahil inabot ng malakas na buhos ng ulan.

Dialogue ni Tita Annabelle sa isang mutual friend, "Hindi pa ba tumitingin (kay Dougs) si Bruhilda?" referring to Ruffa.

"At least, kahit Bruhilda ang tawag niya sa akin, mahal pa rin niya ako, ipinag-shopping pa rin niya ako (sa Hong Kong, kung saan kagagaling lang ni Tita Annabelle)," sey naman ng aktres-TV host sa panayam ng showbiz press.

Matapos magbigay ng respeto sa nasirang talent manager, lumipat si Tita Annabelle kasama si Tito Eddie sa kuwarto na nagsisilbing dining area.

Siyempre, doon din tumuloy si Ruffa. Magkahiwalay sila ng mesa at magkahiwalay ding kumain ng hapunan. Sina Bing Loyzaga at ang ate nitong si Teresa ang katsika ni Ruffa the whole time.

Nang umalis ang magkapatid, lumipat si Ruffa sa mesa ng PAMI members na sina Ethel, June Rufino, Shirley Kuan at Dolor Guevarra, na katabi lang ng mesa nina Tita Annabelle at Tito Eddie.

Doon nangyari ang pangungumbinsi ni Tita Ethel kay Ruffa na lapitan at yakapin ang ina. We later discovered na pagdating pa lamang, nag-try ding pagbatiin ang dalawa ng entertainment editor-Startalk co-host na si Ricky Lo.

Sa totoo lang, medyo kabado pa si Ruffa nang tumayo para lumapit sa mesa ng mga magulang. Kapagkuwan, niyakap niya si Tita Annabelle from behind sabay bulong ng, "I'm sorry, Ma. "

Siyempre, hindi na nagmatigas ang pusong ina ni Bisaya, lalo pa nang makitang nagkakagulo na sa harap nila ang ilang TV crew at showbiz writers.

Matapos 'yon, nagpaunlak ang maluha-luhang si Ruffa ng short interview at sinabing masaya siya dahil sa wakas, kahit paano'y na-break na ang ice sa pagitan nila ng madir niya.

Tama lang daw na siya ang unang lumapit at magpakumbaba dahil anak siya. Sigurado raw na may part two pa ang pagbabati nila, pero sa kanila na lang 'yon.

Sa loob ng ilang araw nilang paghihiwalay dahil sa pagkaka-link niya kay John Lloyd Cruz, na-realize raw ni Ruffa na na-miss niya ang mommy niya.

'Yun nga lang, hindi raw ito nangangahulugan na babalik na siya sa poder ng mga magulang. Kailangan pa rin daw niya ng space at matutong tumayo sa sariling mga paa.

"Parehong strong ang character namin ni Mommy, so, hindi yata talaga kami puwedeng magsama sa iisang bahay ng 24 hours everyday," sey niya.

Kung pilitin siyang bumalik sa bahay nila? "I'll cross the bridge when I get there," ang sagot ni Ruffa, na talagang ayaw nang pag-usapan ang isyu sa kanila ni John Lloyd.

Kinumusta na lang tuloy ng press ang ex-hubby nitong si Yilmaz Bektas. Hindi raw alam ni Ruffa kung bakit hindi natuloy ang pagbisita nito sa 'Pinas para dalawin sina Lorin at Venice. Pero, mabuti na rin daw 'yon, lalo pa nga't nasa gitna siya ng kontrobersiya ngayon.

Binati naman niya ito ng advanced Father's Day at sinabing, "The kids are waiting for you. I hope you get to visit them soon. "


Si Tita Annabelle naman, masaya sa paglapit at pagso-sorry ng anak. Pero, nakuha pa rin niyang tarayan ito na baka put on lang ang lahat dahil may mga TV camera nga.

In-assure naman siya ni Ruffa na hindi at sincere ang pagso-sorry niya sa ina. Kaya, all's well that ends well.

Dahil ABS-CBN 2 ang nag-sponsor ng dinner nu'ng Lunes ng gabi, siyempre'y naroroon ang bigwigs ng Kapamilya Network na sina Charo Santos-Concio, Malou Santos, Cory Vidanes, Linggit Tan, Leng Raymundo, Chit Guerrero, Deo Endrinal at stars na sina Phoem Barranda, Diether Ocampo, Agot Isidro, atbp.

Ilan din sa mga dating alaga ni Tito Dougs ang present para mag-asikaso sa guests. Kabilang dito sina Janice de Belen, estranged hubby John Estrada, Jomari at Jeremy Marquez.

Nandu'n din ang producers na sina Mother Lily Monteverde (ng Regal Entertainment) at Robbie Tan (ng Seiko Films), Malou Choa-Fagar (ng TAPE, Inc. ), Iza Calzado, Francine Prieto, Lotlot de Leon, Pia Pilapil at Gerry Gonzalo (nagkabalikan ba sila?), Raymund Isaac, Mat at Krista Ranillo at kung sinu-sino pa.

Si Batangas Gov. Vilma Santos ang nakatokang magpa-dinner kagabi, na susundan ng GMA Network ngayong Miyerkules, PAMI bukas, Huwebes, at Bench ni Ben Chan sa Biyernes.

Source: People's Tonight