Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Ruffa nanghihinayang kay Zoren

Author: Rowena Agilada
Column: Timing

MASAYA ang first shooting day nina Ruffa Gutierrez at Zoren Legaspi sa reunion movie nila, "Shake, Rattle and Roll II: Lamang Lupa" (formerly "Ukay-Ukay") episode.

Nag-reminisce ang dalawa tungkol sa kanilang past relationship at tinanong ni Ruffa si Zoren kung nasaan na 'yung ibinigay niyang album (clippings ng mga picture nila and write-ups together). Tig-isa sila, ayon kay Ruffa na kinarir niyang gawin noon. Four years silang nag-on na 16 years old lang noon si Ruffa.

Ayon kay Zoren, nasa bahay ng mommy niya ang album. Popeye and Olive ang terms of endearment nila noon ni Ruffa at ayon sa huli, binigyan siya noon ni Zoren ng ring na naiwala niya noong nag-shoot sila ng "Island Desire," under Regal Films.

May third party sa kanilang break-up. Ayon kay Ruffa, ipinagpalit siya ni Zoren sa ramp-commercial model na si Claudine Trillo na ang napangasawa ay ang basketball player na si Jason Webb (son of former basketball star-turned-actor/senator Freddie Webb). Hiwalay na rin ngayon sina Claudine at Jason. It was a bad break-up for her and Zoren, ayon kay Ruffa. Seven years silang hindi nag-usap at nagkabati lang sila noong gawin nila ang isang teleserye sa GMA-7 a few years ago.

We asked Zoren kung hindi ba niya naisip noon na yayain si Ruffa na magtanan sila dahil hindi boto sa kanya si Annabelle Rama. "Alam kong hindi lang ang mommy niya ang magagalit sa akin, kundi maraming tao. Although alam kong sasama siyang magtanan sa akin kung niyaya ko siya (laughs). Inisip ko noon ang career niya at saka mga bata pa kami noon," said Zoren.

PG (as in patay gutom) ang tawag ni Annabelle sa mga lalaking nali-link noon kay Ruffa pero ayon sa huli, hindi tinawag na PG si Zoren ng mommy niya. Nilinaw ni Zoren na hindi siya banned noon sa bahay ng mga Gutierrez. "Iniimbita pa nga nila ako kumain, kaya lang, nahihiya ako. Hindi ako takot noon sa mommy niya dahil wala akong masamang intensiyon kay Ruffa. Feel ni Annabelle na sincere ako sa anak niya," ani Zoren. Napabuntong-hininga si Ruffa at napa-"Hayyy!" sa tonong may panghihinayang sa narinig na sinabi ni Zoren.

Asked kung ano ang hindi niya makakalimutan kay Ruffa, "Si Annabelle (laughs)! Kakabit kasi siya ni Ruffa dahil nanay niya ito. Okey na kami ngayon ni Annabelle. Sinabihan pa nga niya ako na kung alam lang daw niyang magiging mabait at matino akong asawa, sana raw kami na lang ni Ruffa ang nagkatuluyan," words to that effect na sabi ni Zoren.

Ayaw nang magka-baby

Ayon pa kay Zoren, naging close friends naman sila ng daddy ni Ruffa na si Eddie Gutierrez noong nagkatrabaho sila sa "Mulawin" with Richard Gutierrez. Ngayong magkatrabaho naman sina Zoren at Ruffa sa "SRR II," mga anak-anak na nila ang kanilang pinag-uusapan. Nagkita na sina Lorin at Venice at ang twins ni Zoren na sina Mavy at Casey. Sana'y maging friends din ang mga ito, sey ni Zoren.

Ayon kay Ruffa, nasabi sa kanya ni Zoren na ayaw na nilang magka-baby ni Carmina Villaroel at tama na raw 'yung kambal nila. Walang problema kay Carmina ang muling pagsasama nina Ruffa at Zoren sa "SRR II." Friends sina Ruffa at Carmina at hindi isyu kay Carmina kahit may kissing scene o bed scene pa sina Zoren at Ruffa sa kanilang reunion movie. Mag-asawa kasi ang role nila sa "SRR II."

"Masuwerte si Carmina kay Zoren. Straight guy siya. Hindi babaero, responsible father. I'm happy for Zoren. He has a happy and successful life. Masuwerte siya sa kambal niyang anak," said Ruffa.

***

Mamaya sa "Ikaw Sana," sasabihin ni Sofia kay Nina na huwag maniniwala kapag may ibang taong magpapakilala na mommy niya. Pupunta si Eliza sa bahay ni Lolo Ramon at tiyempong nagdi-dinner doon si Michael. Haharangin ni Loretta si Eliza para hindi ito makapasok. Isisigaw ni Eliza ang pangalan ni Michael at lalabas ito. Pero mabilis naipasok ni Loretta sa kotse si Eliza, ayaw mag-start ang kotse. Palapit si Michael.

Source: Tempo