|
|
| Ruling ng Comelec, unfair sa mga artista -- Sen. BongAuthor: Chan-Chan Torres Ipinagmamalaki ni Sen. Bong Revilla na naging bahagi siya ng Ramon Revilla Series: Pepeng Agimat. This time kasi ay hindi siya ang bida kundi suporta sa anak na si Jolo Revilla, ang ikatlong Revilla na gaganap bilang Pepeng Agimat. Sa taping ng Pepeng Agi-mat sa Norzagaray, Bulacan ay kinunan ang isa sa highlight nito kung saan isasalin ni Bong kay Jolo ang agimat. Aware tayong lahat na identified si Sen. Bong sa GMA-7 dahil host siya ng Kap's Amazing Stories, kaya malaking bagay kay Jolo na makasama ang ama sa pagbabalik-TV sa Dos. "Labor of love, full of love. Basta kahit ano, basta makakatulong sa anak ko, gagawin ko. Walang problema sa akin 'yan ke may bayad o wala," say pa ni Sen. Bong. Hindi rin niya akalain na papayagan siya na lumabas sa Pepeng Agimat, kaya malaki ang pasasalamat niya na GMA-7 Network. "In fairness to them, pinayagan nila ako, tutal naman ay one day lang ito. Sabi ko nga, anak ko ito, I have to support him although nasa kabilang is-tasyon. Isang araw lang naman ito. Pagbigyan na natin," very fatherly pang ku-wento ni Bong. Tuloy din ang muling pagtakbo niya sa 2010 at naging topic ang bagong ru-ling ng Comelec na once nagfile ng candidacy ang isang aktor o TV personality ay hindi na maaaring lumabas sa TV o pelikula during campaign period. At dahil dito kailangang palitan pansamantala si Bong bilang host sa Kap's Amazing Stories. Eh, sino naman kaya ang napipisil nilang best choice na kapalit ni Kap? Inamin ni Sen. Bong na walang iba ito kundi ang bunsong anak na si Ram. "Yes, si Ram ang pansamantalang papalit sa akin. Gagawing parang KAS Junior Edition ang tema ng show," aniya. Isa ring worry ni Senador Bong ay baka hindi mapanood ng fans niya ang Panday, na isang taon halos nila ginawa. Sa loob ng kanyang van, napanood namin ang trailer ng Panday at talaga namang humanga kami sa ganda ng special effects ng pelikulang ito. Without exaggeration ito, huh! "Grabe, one year in the making 'yun at talagang matutuwa ka sa Panday. Lalo na't pambata talaga ang Panday. Kaya lang dahil sa ruling ng Comelec, I really find it unfair, lalo pa't wala naman 'yun sa Konstitusyon natin. Naka-lagay doon na 90 days before election, 'yun ang ba-wal. Eh, hindi naman ito, kaya napaaga ang filing of candidacy it's because of the computerization. Kaya umaasa kami na mabago rin ang ruling ng Supreme Court para mabago rin ang ruling ng Comelec," dag-dag pa ni Sen. Bong. * * * Dumalo kami sa isang fashion show na ilang sikat na artista ang rumampa suot ang pinaka-latest na design ng naturang clothing line. Present sina Jake Cuenca, Gerald Anderson, EJ Falcon, Coco Martin at Dingdong Dantes, pawang mga sikat na artista ngayon ng primetime TV. Habang rumarampa sina Jake, Gerald, EJ, Coco at Dingdong, inaabangan namin kung kung sino sa ka-nila ang mas tinitilian at pinapaklakpakan. Sa totoo lang, winner talaga si Coco. Siya 'yung pinalakpakan nang malakas at sobrang tinilian ng fans nu'ng lumabas sa stage. Patunay lamang na popular na si Coco, kahit mas nauna siyang nakilala sa ibang bansa. In fairness, kinabog niya ang mga inaakala ng lahat na sikat na rin ngayong mga artista, huh. Komento nga ng isa na-ming colleague, "Bongga talaga si Coco. Confirmed talaga!" Source: Taliba |