Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Ryan Agincillo, enjoy sa debate!

EnjoysiRyan Agoncillo sa debate show ng Studio 23, ang Y Speak. Eh kasi raw, ang show na ito ay nag-eengganyo sa mga kabataan na sabihin ang kanilang nasasaisip ukol sa mga makabuluhang isyu.Kaya ngayong gabing ito ay doble ang saya ni Ryan dahil magdi...

 

Ryan Agincillo, enjoy sa debate!

Y Speak's Ryan Agoncillo and Bianca Gonzalez

Column: Star Nga Ba?
Author: Alfie Lorenzo

Enjoy si Ryan Agoncillo sa debate show ng Studio 23, ang Y Speak. Eh kasi raw, ang show na ito ay nag-eengganyo sa mga kabataan na sabihin ang kanilang nasasaisip ukol sa mga makabuluhang isyu.

Kaya ngayong gabing ito ay doble ang saya ni Ryan dahil magdiriwang na sila ng kanilang unang anibersaryo.

Sabi pa ni Ryan, punung-puno ng mga magagandang episodes ang Setyembre nila.

Ngayong gabi, magkakasama sina Ryan, Bianca Gonzales, at ang co-host nilang si Patricia Evangelista na umpisahan ang unang debate sa kanilang panibagong taon, ang Nakaka-impeach na kayo!

Sa episode na ito ay sasagutin ang tanong tulad ng: May kababalaghan bang nagaganap sa Impeachment proceedings?

Anyway, marami pang mga sorpresa at espesyal na guests ang nag-aabang sa mga darating pang episodes gaya ng pagbisita ng mga taong malapit sa puso ng mga host.

Bilang nag-iisang youth forum na tumagal sa ere at nagbibigay ng kontribusyon sa telebisyon, ang Y Speak ay dapat lamang manatili upang lalo pang marinig ang boses ng mga kabataan para sa pagtataguyod ng ating bansa.

Kaya, nararapat lang na ipagpatuloy ng mga kabataan ang pagsasalita na naayon sa inyong isip.

***

Isa si Dominic Ochoa sa nag-celebrate ng kanyang birthday noong August sa ABS-CBN. Sabi ni Dominic, bagamat wala siyang regular na TV show ngayon sa Dos, busy pa rin siya.

Marami raw siyang mga corporate shows at nakatakda rin siyang magpunta sa Hong Kong para mag-host din ng isang event.

Busy rin si Dominic sa kanyang sports at business. Binabalanse niya ang racing, biking at ang kanyang ice cream venture na Thumbs Up, pati na ang I Pop!

***

Si Danilo Barrios naman ay nag-celebrate ng kanyang birthday nitong August. Masayang-masaya si Danilo dahil sinorpresa siya ng mga kaibigan niya sa kanyang birthday.

Imagine, dumating pa ang mga relatives niya mula sa Davao at Cebu para makisaya sa birthday niya?

Si Danilo ang image model ngayon ng BUM Equipment. Co-host din siya ng Nginiiig The Hidden Files sa Studio 23, kasama sina Jhong Hilario at Spencer Reyes.

So, happy birthday na lang kina Dominic Ochoa at Danilo Barrios!

Source: Abante