| | Ryan Agoncillo fearlessly faces 'The Buzz's Tough Ten' questions Author: Julie Bonifacio Ang Pinoy Fear Factor host na si Ryan Agoncillo ang ikatlong celebrity na isinalang sa Tough Ten portion ng The Buzz noong Sunday, November 9. Maintriga at eksplosibo ang mga sagot na binigay ng lead star ng pang-hapong teleseryeng Pieta sa ABS-CBN. Narito ang kabuuan ng bahaging ito ng interview ni Boy Abunda kay Ryan. Ika-sampung tanong: Boy: Sa takbo ng iyong career at personal na buhay ngayon, ano ang greatest fear mo? Ryan: Ah, biggest fear right now... siguro the fear of being unable to take care of my family the way I want. Ika-siyam na tanong: Boy: Sa naunang interbyu, sinabi mo na ang tatlong angat na ugali ni Judy Ann (Santos) ay makulit, pilya at parang bata mag-isip. Sa tatlong ugali na ito, saan ka pinakatakot? Ryan: Pilya. Boy: Bakit? Ryan: Ganito si Judai. Ang ugali nito kapag nagmamaneho ako ang hilig niya mangiliti. Boy: Saan ka kinikiliti? Rya: Kung saan-saan. Kung iba ang nangiliti, ayos lang, e. Hindi ko papansinin. Pero kapag siya ang nangiliti, 'Hoy! Huwag!' Baka kasi kung saan ko mailiko at mabangga kami 'di ba? Ika-walong tanong: Boy: Sa simula ng relasyon ninyo ni Judai may mga sector na inakusahan ka na ginagamit mo si Judy Ann dahil sa kanyang kasikatan. Ano ang gusto mong sabihin ngayon? Ryan: Hindi kasi talaga na maikakaila na kahit sino siguro ang maidikit sa isang artista na kasing-sikat ni Judai ay matutulungan. And ako, I'm just grateful. Ako, parang, I'll be the first liar kung ako ang magsabi na hindi ako natulungan ni Judai. Ika-pitong tanong: Boy: Was there a time sa relasyon ninyo ni Judai na muntik na kayong magkahiwalay at kung meron man, bakit? Ryan: Yes, the first year of our relationship was very rocky. Kasi ano, e, kapag ano, ang love mahirap, e. Mahirap ang love kapag tapos na ang honeymoon stage 'yan na 'yung magkakakilala kayo. And it is even tougher that 'yun nga my girlfriend is the young superstar. There are some things that you have to determine kung totoo o hindi. So, 'yun. Pinilit naming hindi magtrabaho for one year together para malaman namin na hindi lang dahil araw-araw kaming magkasama sa set 'di ba? Baka doon lang galing 'yon. Meron kasing pagtitinginan na bunga ng dahil araw-araw kayong magkasama. So, 'yun 'yung reasons for the first year. We have to find out if we really it's love and not just proximity na naging rason na magkasama kami. Ika-anim na tanong: Boy: Sa isang taping ng Pieta kung saan may love scene ka with Krista Ranillo, nailang ka ba nu'ng dumating si Judy Ann? Ryan: Not at all. Nabusog ako nu'ng dumating siya. Oo, kasi lately hindi sila nagti-taping for her show dahil nagre-revise ng script. So, she has a lot of time on her hands. So, minsan naghahanap siya ng excuse para magluto. Ang gagawin niya magluluto siya ng pagkain dadalhin sa set. Lahat pinapakain. And when she arrives she makes it a point not to be anywhere near the scene that we do. Whatever it is. Kung kissing scene man or action man 'yan. Kasi unang-una, ayaw niyang mailang ako. Pangalawa, ayaw niyang mailang kung sinuman ang ka-eksena ko. I ka-limang tanong: Boy: Alam natin lahat na nagkaroon ng konting hidwaan si Judai at si Tito Alfie. There was a time na hindi sila nagkaunawaan pero naayos na ang lahat. At sa gitna ng mga paguusap na ito, tinawag ka ni Tito Alfie ng Atty. (Ryan) Agoncillo. Napikon ka ba? Ryan: You know, siguro, this is the first time I'm actually gonna say this. No. Ah, kasi ang rami nang nagtatanong why I decided to keep quiet the whole time na may gulo, ang posisyon ko kasi diyan Boy, sa gulo nila bilang talent and manager, my participation is not as another artista but as the fiancée of Judy Ann Santos. And ah, you know, it's not right for me na makisali kung ano 'yung nagaganap sa media na usapan because may posisyon nga at kung anuman ang nararamdaman ko is on a personal level. Kumbaga, hindi importante sa akin ang magsalita sa diyaryo, hindi importante sa akin ang magsalita sa radyo at sa TV, ang importarte sa akin ay Tito Alfie gave me a chance to speak to him in person. I mean, binigyan niya ako ng chance na magtanong at sinagot naman niya and that's all that matters to me 'yung personal na pag-uusap. And I told him how I felt and ah, he told me also how he felt. At napakaayos ng naging usapan. So, kung napikon, hindi. But ah, we exchange gentlemanly words and you know Alfie is like a lola sa amin ngayon. At siya na rin ang ang nagsabi na hindi negosyo ang paguusapan natin iho kundi buhay. 'Yun ang maganda. Ika-apat na tanong: Boy: Ayon sa mga diyayro, sa mga nababasa, sa shooting sa Argentina nagkaroon ka raw ng fling sa isang babaeng na nangangalang Valeria. Ano ba ang katotohanan? Ryn: Hahaha! Whew! Ang haba ng hair! No, uhm, ang isa sa mga nangayring sa Argentina pinag-tripan ako nina Direk Lauren (Dyogi). They warned me bago pa lang tumulak papuntang Argentina, 'Ryan, be ready because there will be a little something, something doon pagdating mo doon.' Ayun na nga, pagdating ko doon isang napakagandang babae ang sumalubong sa akin. Akala ko, 'pag labas ko sabi ko, 'Naku, eto na 'to. Ito na 'yung sinasabi ni Direk Lauren.' Kasi naka-skirt, sa totoo lang itong babaeng ito, maigsi ang shorts, e. Tapos 'yung babaeng 'yun sa sobrang ganda niya habang nakatayo siya sa harap ng airport na 'yon nagbanggaan ang mga kotse dahil nakatitig sa kanya because she's a model and actress sa Argentina. Tapos 'yun pinagtripan ako. Si Valeria was talking to me the whole time in Spanish. 'Yun pala nang-aakit siya. Hindi ko naman naiintinidhan dahil hindi naman ako nakakaintindi ng Spanish. So, being the little boy that I am inenjoy ko na lang. Boy: Saan humantong ang page-enjoy na 'yon? Ryan: Ayun, iniwan ako sa kwarto mag-isa. Hehehe! Boy: Sa mga panahon ika'y nanghihina pagdating sa pag-ibig, saan ka humuhugot ng lakas? Ryan: You know Boy the past few months have been very fruitful for me. Ah, may mga, 'yun nga may mga kissing sceens na nangyari, may pinagtri-tripan ako tulad nu'ng kay Valeria. Ang sinasabi ko lang, marunong ang Diyos. He gives me a project like this that will test me before I'm about to get married, you know. Had this happened during our first year of relationship, I would have been so weak. But now, I know why I'm working. I know what I'm working for so wala 'yun. Ikatlong tanong: Boy: May isang bagay ba sa iyo ngayon na makakapipgil sa iyo na pakasalan si Judy Ann Santos? Ryan: I doubt it. I highly doubt it. Ikalawang tanong: Boy: Ngayong napakaganda ng kanyang buhay, handa ka ba'ng talikuran ang lahat para kay Judy Ann Santos? Ryan: All the reasons why I'm doing this is because of her. So, I guess, if it is needed, then yeah. But then, I have to be grateful kasi this is I mean, not for me, to take care of Judai. So, parang ano, e, bastos kung sabihin handa ako'ng talikuran ang grasya. Pero alam ko kasi 'yung grasya hindi para sa akin, para sa pamilya. So, kung ipilit, yes. Unang tanong: Boy: Kung si Ryan ang masusunod, sa araw ng kasal nila ni Judai iimbitahan ba niya sina Robin Padilla at Piolo Pascual? Ryan: Hahahaha! You know, ah, wow! Will I invite them? I don't know Robin personally and sa totoo ang napag-usapan namin ni Judai wala kaming hindi kilala. And at this point hindi ko siya kilala. Siguro kung magkakilala kami at magkaayusan ng kwentuhan, magka-gaanan ng loob, I mean, nothing is impossible. Piolo? Ah, if he is available, if Judy Ann decides to invite him who am I to deny her an invitation to a friend on her special day 'di ba? Source: ABS-CBN Interactive |
|