|
|
| Ryan Agoncillo, madalas landiin ng mga dalaga!![]() Author: Abante Bagama't kasal na, hindi pa rin daw naiiwasan ang ilang kababaihan na karamihan ay mga dalaga na magpakita ng motibo, o landiin ang aktor na si Ryan Agoncillo. Aminado si Ryan na nafa-flatter pa rin siya sa tuwing may mga dalaginding na bigla na lang kikiligin sa tuwing nakikita siya. Pero, ano naman kaya ang tingin dito ng asawang si Judy Ann Santos? “Pag may mga umaaligid kay Ryan, yayakapin ko na lang siya bigla ng sobrang higpit at magiging super sweet ako sa kanya!” pabirong sabi ni Juday. “Pero seriously, wala naman sa amin 'yon ni Ryan. Natural na 'yun kasi artista siya at marami talagang humahanga sa kanya,” dugtong na sambit ni Juday. Dagdag pa ng award-winning actress, confident siya sa pagsasama nila ni Ryan at hindi magiging balakid ang ganoong uri ng sitwasyon sa kanila. Pero, magiging ganito rin kaya ang reaksyon ng kanyang character na si George sa “George and Cecil” ngayong gabi (Nov 1) kapag nalaman niyang may nagpaparamdam din sa asawa niyang si Cecil? Hindi nga lang ito tao kung hindi multo! Tunghayan ang katatakutang dala ng George and Cecil, pagkatapos ng “Sharon” sa ABS-CBN. Source: Abante |