|
|
| Ryan Agoncillo might be part of Richard-KC Valentine movie![]() Author: Nitz Miralles Nabalitaan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na posibleng makasama si Ryan Agoncillo sa cast ng Valentine's Day movie nina Richard Gutierrez at KC Concepcion para sa GMA Films at Regal Entertainment. As of today, October 24, Save The Best For Last ang tentative title ng pelikula na mula sa hit song ni Vanessa Williams. Sa Lunes pa, October 27, makukumpirma kung makakasama nga si Ryan sa nabanggit na pelikula. Sa araw na 'yon kasi ipi-present ang story. Si Direk Joey Reyes, na sumulat ng script at director ng Save The Best For Last, ang nag-suggest na isama si Ryan sa pelikula. Kapag natuloy si Ryan, matutuloy na rin ang pagsasama nila ni Richard. Naudlot kasi ang pagsasama sana nila sa horror film na Dagaw hanggang kinansela na rin ito. Kaibigan din ni Ryan sina Richard at KC kaya walang magiging problema kung makakasama siya sa cast. Ang magiging hadlang lang kung sakali ay ang toxic schedule ng fiancé ni Judy Ann Santos. Nagte-taping pa siya ng Pieta at magsisimula nang umere ang Pinoy Fear Factor sa ABS-CBN. Host din si Ryan ng Talentadong Pinoy ng TV5. May special participation din si Ryan sa Iskul Bukol Da Reunion, na entry ng OctoArts Films sa 2008 Metro Manila Film Festival. In fact, kasama siya nina Vic Sotto, Wally Bayola, at Jose Manalo na pumunta sa Cambodia para mag-shooting. Maganda ang desisyon ni Ryan na mag-freelancer dahil libre siyang gumawa ng pelikula sa iba't ibang movie companies na kumukuha sa kanya. Welcome din siya sa lahat ng TV stations. Maipo-promote din sa ABS-CBN at GMA-7 ang Save The Best For Last dahil kasama ito sa two-movie deal ng Star Cinema at GMA Films para kina Richard at KC, na unang nagsama sa For the First Time ng Star Cinema. Source: Philippine Entertainment Portal |