Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Ryan, Oyo Boy mas masaya sa TV5 kesa sa Kapuso at Kapamilya

Author: Noel Asiñas
Column: Cut!

MASAYA sina Ryan Agoncillo at Oyo Boy Sotto ngayon sa bakukan ng TV5. At dinig na-min, mas happy sila nga-yon sa Singko kesa sa bakuran ng GMA7 at ABS-CBN.

Top-rating ang mga programa nila sa Singko. Alam ba ninyong show ni Ryan na Talentadong Pinoy na napapanood tuwing Saturday afternoon ay naka-24. 8 percent sa ratings game, samantalang, ang kay Oyo Boy na Midnight DJ na napa-panood tuwing Saturday din, 8 p. m. ay naka-18 percent rating?

Mataas na ratings na ito for TV 5 dahil lumalaban na sila sa programs ng GMA7 at ABS-CBN. Lalong sumisikat nga-yon si Ryan at marami na siyang followers. Lalo na iyong Ryan-Judy Ann Santos fans.

Si Oyo Boy ay pinana-natiling mataas ang ra-tings ng Midnight DJ na napasimulan ni Paolo Contis. Lalong nagustuhan ng fans ni Oyo ang show dahil horror/comedy na ito nang mag-take over si Oyo Boy.

* * *

HINDI lang pala si Gloria Romero ang nakakuha ng double nominations sa acting awards sa Star Awards for Movies bilang best actress sa Fuschia at best supporting actress sa Paupahan.

Si Baron Geisler man ay nominado rin sa best actor category para sa indie film na Jay at best supporting actor pa-ra sa pelikulang Baler.

Ipinagdiriwang ng Star Awards for Movies ang kanilang Silver Anni-versary sa taunang para-ngal na ito para sa natatanging achievements sa local filmmaking na iti-nataguyod ng samahan ng mga mamamahayag pang-aliwan, ang Philippine Movie Press Club sa pamumuno ni Roldan F. Castro bilang pangulo ng samahan.

Ang 25th Star Awards for Movies 2009 ay gaganapin sa Huwe-bes, Mayo 28, 2009. Magsisimula ang programa sa ganap na ika-7 ng gabi, sa Henry Lee Irwin Theater ng Ateneo de Manila University (ADMU), Loyola Heights, Quezon City. Ang TV airing ay mapapanood sa Mayo 31, 2009, ganap na ika-10:30 ng gabi. Isasahimpapawid ito ng ABS-CBN. Ang 25th Star Awards for Movies ay mula sa produksyon ng FLT Productions, Inc. nina Rose Flaminiano.

* * *

FEELING fulfilled nga-yon si Joel Torre dahil hindi siya nawawalan ng acting assignments.

Nakalalabas siya sa dalawang higanteng networks ng bansa, ang GMA7 at ABS-CBN. Sa ngayon ay may pivotal role siya sa soap na Zorro bilang surrogate father ng bidang si Richard Gutierrez (Zorro).

May naging mabigat din siyang role sa remake movie na Saan Darating ang Umaga? na ginampanan no-on sa movie nina Nida Blanca at Nestor de Villa.

Wika ni Joel: "Natutuwa ako sa GMA7 dahil binibigyan nila ako ng ganito kalala-king role. Kahit father roles ang ginagampa-nan ko, mabibigat din 'yon. "

Nagpasaya pa kay Joel ngayon ang pagka-kasama niya sa British produced movie na ginawa sa South America na may titulong Surviving Evil kasama ang bidang American actor na si Billy Save. Nasa movie rin na ito ang sikat na Pinay actress sa London thea-ter na si Natalie Mendoza. Isang full-length role ang ibinigay sa kanya sa movie na tulad ng kay Cesar Montano noon sa Hollywood movie na The Great Raid.

"Dollars ang sahod ko rito. Biro mo nag-stay ako sa Africa ng 40 days. Ngayon lang ako kumita ng ganitong kataas na talent fee," say pa ni Joel.

* * *

MAY big summer special sa SOP ngayong Sunday. Siyempre, tampok na panauhin ang hottest love team ng network na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes. May fans day ang dalawa sa SOP. Kasama ring aaba-ngan sa show ang album launch nina Janno Gibbs at Jan Nieto na produced ni Ogie Alcasid. Masa-saksihan din ang first SOP birthday celebration ni JC Tiuseco, ang first Survivor Philippines winner. Kasabay ng ka-siyahan, ang pagdating ng bandang US based na The Speak managed by Jerry Garcia, ex-BF ni Iza Calzado.

Malalaman na rin ang resulta ng first Kapuso Tag Awards, gayundin kung ano ang big talent search program ng network na magkakaroon ng launching din sa show.

* * *

'DI pa sure si Lani Mercado kung siya'y maki-kilahok bilang kandidata sa 2010 elections. Ang sure pa lang niya ay ang kanyang asawang si Sen. Bong Revilla.

Sa ngayon ay happy na si Lani bilang aktibo sa civic affairs ng bayan ng Bacoor, Cavite. Kasama siya sa mga proyekto ni Mayor Revilla ng Bacoor na kanyang bayaw.

'Di pa rin matutuloy ang pag-aaral ng short course sa management ni Lani sa Ateneo de Manila University dahil na- busy siyang bigla sa soap opera na Zorro. Maliit lang ang role niya rito bilang ina ni Richard Gutierrez, pero may ibibigay sa kanya ang Kapuso network na bagong soap sa susunod na buwan. Samantala, patuloy na kasabik-sabik ang Kap's Amazing Stories ni Sen. Bong Revilla.

* * *

NAKAIINTRIGA ang Joey's Quirky World dahil may ipapalabas si Joey de Leon na isang babaeng mahilig kumain ng bato. Wala bang epekto ang bato sa kalusu-gan ng babae? Mapapanood ito bago mag-SOP.

Source: Taliba