|
|
| Ryan at Juday, inalok ng bagong show ng ABS-CBNAuthor: Nitz Miralles Wala sa Eat Bulaga noong Martes si Ryan Agoncillo at akala ng fans nito, pina-pull-out siya either ng ABS-CBN o TV5 para magpatuloy mag-co-host ng noontime show. 'Yun pala, nag-taping ng George & Cecil nila ni Judy Ann Santos ang TV host-actor, pero kahapon, balik-Eat Bulaga siya at muling mag-a-absent bukas dahil pa rin sa taping ng sitcom. Kailangang mag-advance ng taping sina Ryan at Judy Ann dahil sa Undas. Aalis din sila para sa birthday ng anak nilang si Yohan. Mabilis nag-blend sa Dabarkads ng Eat Bulaga si Ryan at kita kung gaano siya ka-kumportable na pati pagsayaw ay sinusubukan. Sa mga darating na araw, gusto ng viewers na mapanood siyang sumayaw at kumanta, puwede kaya 'yon? Tanong lang, how true na dahil sa Eat Bulaga, in-offeran sina Ryan at Judy Ann ng bagong show ng Channel 2? Malalaman natin kung tinanggap ng mag-asawa ang offer. * * * Mapapanood na simula bukas (Friday) ang music video campaign ni Sen. Noynoy Aquino sa TV Patrol World. Pro bono na ginawa ang music video mula sa composition ni Ogie Alcasid na Hindi Ka Nag-iisa, sa pagkanta ni Regine Velasquez, ang equipment na ginamit ay galing kay Dondon Monteverde at hindi rin nagpabayad ang nagdirek ng music video. Sama-sama sa music video ang talents ng ABS-CBN at GMA-7 at may basketball players din. Heto ang order of appearance ng talents: Regine, basketeers James Yap, Kerby Raymundo, Willie Miller, KC Canaleta at Cyrus Baguio, Sharon Cuneta, Boy Abunda, Anne Curtis, Bianca Gonzales, Mariel Rodriguez, Erik Santos, Bea Alonzo, Dingdong Dantes, Ai-Ai de las Alas, Ogie, Marian Rivera, Kris Aquino at Sen. Noynoy kasama sina Enrico Villanueva, LA Tenorio, Larry Fonacier, at Paulo Bugia. * * * Nang makausap namin si Raymond Gutierrez, wala pa siyang mabanggit na exact venue ng international auditon ng StarStruck V. Ang alam lang niya, sa Los Angeles, San Francisco at New Jersey siya pupunta para sa November 3 to 8 scheduled audition. Ang iba pang schedule at venues ay: Singapore (October 30 & 31) sa 7170 Restaurant Marina Square; Tokyo, Japan (Nov. 3 & 4) in Koozy the Underground Live House and Resto at 4-14-1 B1 Plaza Eleven Kotobashi Sumida Ku Kinscho; Middle East: Bahrain (Nov. 3 & 4) ni Orbit Showtime Sales Showroom, Old Palace Rd. , Manama; Abu Dhabi (Nov. 5) sa Trianon Sports Club Hotel); at Dubai (Nov. 6 &) sa Orbit Showtime Sales Showroom. Kung si Raymond ang ipadadala sa U. S. audition, si Dingdong, sa Singapore naka-assign, at si LJ Reyes ang isa sa pupunta sa Dubai para pa rin sa audition ng StarStruck V. Wish ni Raymond na makakuha ng new face sa mga mag-o-audition sa ibang bansa na 'di lang marunong sumayaw, kumanta at umarte, kailangan ding marunong mag-Tagalog para walang problema sa communication. * * * Sa Ikaw Sana, nalungkot si Eliza (Jennylyn Mercado) dahil feeling niya, kinalimutan na siya ng kanyang pamilya. Mag-asawa na sina Michael (Mark Herras) at Sofia (Pauleen Luna) at meron na rin silang anak at malaki na rin ang anak nina Michael at Eliza na si Niña. Pupuntahan ni Luis si Eliza at nangangakong tutulungan siyang makalaya. Biglang may mystery caller na tatawag kay Luis. Sino kaya ang tumawag? * * * NGAYONG Huwebes sa Rosalinda, excited na si Fernando Jose (Geoff Eigenmann) na pupunta na sila sa Amerika ni Rosalinda at ng anak nilang si Erika, pero 'di matutuloy dahil magde-decide si Rosalinda na manatili ng bansa at alagaan si Alex (Jomari Yllana) na feeling wala nang silbi dahil lumpo na. Muling 'di sisiputin ni Rosalinda si Fernando Jose na nagalit dahil lagi na lang daw kay Alex ang atensyon ng asawa at napapabayaan na ang pamilya nila. Magseselos pa si Fernando Jose nang makitang magkayakap sina Rosalinda at Alex. Source: People's Tonight |