Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Ryan, ayaw ipakita ang bilbil

Author: Eric John Salut
Column: Ripples

“WHEN God closes a door, He opens a window. ”

Appropriate ang kasabihang ’yan sa kaibigang Ogie Diaz. Tikom pa rin ang bibig ni Ogie sa isyu ng pagkawala niya sa Umagang Kay Ganda.

Pero hindi ang tulad ni Ogie ang mawawalan ng trabaho.

Sa kakayahan niya sa hosting at acting, tiyak na lagi siyang may puwang sa telebisyon.

After ng pagkawala niya sa UKG, balik-acting ang kaibigan namin. Mapapanood siya sa Dyosa sa isang very special role. Tiyak na matutuwa ang followers ni Ogie ’pag napanood na siya sa nasabing fantaserye.

"Love kasi si Ogie ng mga executive ng ABS-CBN," sabi ng source namin. "No'ng nagsisimula ang ABS-CBN, Ogie was there na. Wala naman siyang ibinigay na sakit ng ulo sa management. Kaya hindi siya pababayaan. Isa pa, he remains loyal sa ABS. "

Kaibigan namin si Rica Peralejo, pero hindi pa rin siya nagsi-sync-in sa amin bilang showbiz segment host ng UKG. Mas nasanay kami sa kanya sa mga lifestyle segment ng early morning show.

Naloka kami one morning while watching UKG, dahil sumablay ang mga VTR sa showbiz segment. Isa ’yon sa mga dapat tutukan ng production although nangyayari talaga ’yon sa live shows, pero sana’y hindi dumalas.

Going back to Ogie, excited na kaming mapanood siya sa telebisyon. Ang balita pa namin, dual ang magiging role niya sa Dyosa.

* * *

NAKAKATUWA si Ryan Agoncillo. Very daring siya sa portrayal ng role na Rigor sa Pieta.

Pero alam n'yo bang mas gugustuhin ni Ryan na makita ang lower part niya kesa ang itinatagong bilbil?

"Hindi siya mataba, pero hindi siya kumportableng makita ng tao ang konting flab niya. Mas gusto niyang ipakita ’yung lower body niya nang naka-underwear," sabi ng kausap namin.

One after the other ang presscons ni Ryan sa ABS-CBN lately. Kamakailan lang, humarap na naman siya sa press, kasama si Lauren Dyogi, para sa Pinoy Fear Factor.

Bukod sa pagharap ni Ryan, ipinakilala rin via VTR ang 12 participantes ng reality show sa Dos.

As we all know, dalawa lang ang kilalang celebs dito -- sina Phoemela Baranda at LJ Moreno.

The rest, pawang non-showbiz at nakuha sa isinagawang auditions.

Magsisimula ang Pinoy Fear Factor sa November 10 sa ABS-CBN.

Source: People's Tonight