Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Ryan ayaw makabuntis noong binata pa, ngayong asawa na si Juday hindi naman makabuo

Author: Noel Asiñas
Column: Cut!

GUSTO na talagang maging tatay ni Ryan Agoncillo. Hangad niyang makalalaki agad kay Judy Ann Santos para matupad na niya ang pangarap na magkaroon ng junior. Pero, bigo pa rin sila ni Juday na 'makabuo. ' Nang makausap namin sa set ng Talentadong Pinoy si Ryan. Nasambit ni-yang pabiro: "Noong binata ako ay ingat akong ma-kabuntis, pero ngayong may asawa na ako,'di naman ako makabuo. Ano ba ang gagawin ko, 'di try and try hanggang mag-succeed. "

Sinabi ni Ryan na kaila-ngan lang talaga ni Juday ng complete rest para sila mag-kababy. Pero, busy pa rin ang schedule ni Juday lalo na noong bago sila ikasal nang sinu-shoot niya ang Oh My Girl under Regal Films. May soap pa ang young superstar ngayon sa ABS-CBN. Bukod pa sa may sitcom si-lang mag-asawa na ipinapa-labas sa kasalukuyan.

Dahil successful ang Talentadong Pinoy sa ra-ting, ayon kay Ryan, wala siyang balak iwanan ang programa.

* * *

SA kabila ng kaliwa't kanang batikos sa Cool Center ay patuloy pa rin ito sa pama-mayagpag sa ratings game. Last Saturday, tinalo ulit nila ang katapat na programa -- 12. 2 percent ang nakamit ng Cool Center vs. 8. 9 percent ng TV Patrol World">TV Patrol World -- ayon sa AGB Nielsen.

Special guest ngayong Sabado si Jennifer Lee na buong tapang na ibubunyag ang mga intrigang ikina-kabit sa kanya. Sa Tawag ng Pangangailangan, ipamimi-gay ng mga Sis na sina Carmina Villarroel at Gelli de Belen ang kanilang paboritong mug at ilang damit sa pinakamabilis na caller. Bu-sog na kayo sa katatawa-nan sa Cool Center, may chance pang manalo ng 10K worth of groceries. Tawag lang sa 981 1936 to 38.

Mapapanood ang Cool Center tuwing Sabado pag-katapos ng Imbestigador .

* * *

PUNUNG-PUNO ng kulay at intriga ang Pinoy Re-cords ngayong Saturday dahil sa dalawang celebrity stars na sina Stef Prescott at Jewel Mische ay maglalaban para maging Palengke Queen. Matatalim na dila at maabilidad na trabaho ang gagawin ng dalawang stars.

Ang host ng programang sina Manny Pacquiao at Chris Tiu naman ay tatala-kayin ang matandang recipe mula sa Bulacan na tinawag na Santa Veronica Birang. Pinakamataas na building sa Pilipinas aakyatin para mapatala sa Pacman's List. May tatanghaling flourescent king, mapapasama ang mananalo bilang Pinoy Extreme Engkuwentro. Lahat ng iyan ay mapapanood sa Pinoy Records pagkatapos ng Wish Ko Lang.

* * *

SUPER-TATAG talaga ang Joey's Quirky World kaya never pa itong lumaylay sa ratings. Tulad na lang last Sa-turday, ang programa ni Joey de Leon ay nakakuha ng 16. 8 percent. Bagay kasi kay Joey na magkuwento hinggil sa mga kakaibang nangyayari sa iba't ibang panig ng mundo.

Source: Taliba