|
|
| Ryan, househusband kay Juday!Author: Alfie Lorenzo MAY bago pa ba sa “George & Cecil” nina Juday at Ryan? Isang policewoman si Juday at si Ryan naman ay househusband (like Phillip Younghusband?). Sa Viva movie na unang pinagtambalan nina Juday at Dingdong Dantes ay security guard naman ang role ni Juday sa pelikulang “Akala Mo”. Makalibre kaya sa akin si Malou Santos sa free coverage namin ng shooting ni Vilma Santos sa New York City for Star Cinema pagdating namin sa aming favorite city? Bigyan naman kaya ako ni Malou ng free room sa Radisson Hotel? Magseselbra ako ng 30th anniversary namin ni Vilma Santos nu'ng unang tuntong sa Amerika at New York City pa mandin agad nu'ng 1979 na nag-shooting ang Regal Films ng “Pinay American Style” directed by Elwood Perez na siyang top director ng Regal films noon bago nagkaroon ng Ishmael Bernal at Lino Brocka sa bakuran ng naging most popular and most star-populated film outfit ng bansa. Marami kaming memories ni Vilma na sasariwain, including ang tulog-sa-mantika na adobo ni Mama Santos at ang ending na pagkain namin ni Ate Vi ay ang kalalabas pa lang at popular na agad na Whopper sandwich na ang sukli sa pambili ay kinukupit ko na kay Ate Vi. Ha! Ha! Ha! Ha! Wala pang Luis Manzano noon sa tiyan ni Ate Vi. Tubig pa lang sa Pasig River noon si Lucky. Kaya type ni Jun Lalin samahan kami sa New York City para makarating siya sa gay side ng NYC na Greenwich Village. Abutan pa kaya ni Lalaine ang Village People roon? Source: Abante |