Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Ryan, idinepensa ni Judy Ann

Author: Mercy Lejarde
Column: Tell & Tell

SINA Fanny Serrano at Mary Ann Pagsibigan ang co-owners ng Rev’lation, distributor dito sa ating Lupang Hinirang ng bagong produktong iniendorso ni Judy Ann Santos -- ang Scents & Blends.

Tinanong ng yours truly si Tita Fanny kung bakit si Juday ang napili nilang endorser ng Scents & Blends?

“Eh, kasi si Juday, maganda, kamukha ni Angelina Jolie (napa-oooh ang lahat ng nakikinig na ikina-blush ni Juday).

“At saka, malapit na siyang ikasal. So, ’yun ang parang preparation sa kanyang married life na mag-aalaga ng mga baby.

“Kaya kailangan, mga produkto ng mga baby ang kanyang aasikasuhin, lalo na nga ang Juday’s Baby Line collection including Scents & Blends,” sey ni Tita Fanny.

Kailan ba ang kasal nila ni Ryan?

“Malapit na, ’noh!” bulalas pa ni Tita Fanny.

“Papunta na ru’n,” nangingiting sambit naman ni Juday.

Ano ang mase-sey ni Juday du’n sa pakikipagtukaan blues ni Ryan kay Valeria, the Argentinian beauty na ginamit ng Pinoy Fear Factor production staff para tuksuhin ang TV host-actor?

“Mabuti na lang hindi ko napanood ’yung episode na ’yon. Pero alam ko naman, in fairness kay Ryan, he told me everything and I believe him and I trust him a lot.

“Kasama sa trabaho ’yon, eh, may mga ganu’ng factor na hindi mo naman mahahawakan ’yung mga oras na pagtitripan ka ng mga tao sa paligid mo and sina Direk Lauren Dyogi, tatay-tatayan ko ’yan, naniniwala akong hindi niya isasadsad si Ryan sa isang bagay na alam niyang ikagagalit namin, ikagagalit ko at magiging dahilan ng pag-aaway namin.

“So, naiintindihan ko ’yon at ang importante, they all had fun and nothing happened na hindi maganda, so, ’yon lang ’yon, okay na ’yon,” depensa ni Juday sa labs niyang si Ryan.

Oo nga naman. Kung napapanood n’yo si Ryan gabi-gabi sa Pinoy Fear Factor, lalo na ang pakikitungo nito sa mga female participante at ilang babaing Argentinian, tipong makikita mo sa fez at kilos nito ang famous line na. .. “trabaho lang, walang personalan,” tsuk!

* * *

CONGRATULATIONS kay Rey Beltran dahil itey ang ika-14th millionaire ng Kapamilya, Deal or No Deal.

Nakuha niya ang P110,000,000 nu’ng Lunes ng gabi.

Kaya, pipol of the Philippines, join na kayo sa KDOND kahit through text.

Who knows, tulad ni Rey, ay magkaroon din kayo ng plenty of money at hindi lang maging merry ang inyong Christmas, ’noh?

* * *

SA Biyernes, Nov. 21, sa 5Max Movies ng TV5, 8 p. m. , bubuka ang lupa at magbubuga ng nagbabagang lava sa pelikulang Dante’s Peak.

Si Pierce Brosnan ang bidang seismologist na mamumroblema kung paano ililigtas ang mga tao sa bayan mula sa nagagalit na bulkan.

Magawa kaya niya silang iligtas o baka isa rin siya sa mga matatabunan ng kumukulong lava?

Source: People's Tonight