|
|
| Ryan sa 'Bulaga', pinagtangkaang harangin ng Dos?![]() Author: Jun Nardo PASOK na si Ryan Agoncillo sa Eat Bulaga bilang isa sa mga junior hosts. Inaprubahan din nina Tito, Vic and Joey ang pagiging Dabarkads ng asawa ni Judy Ann Santos na iisa ang komento na mabait itong bata. Nagpaalam naman si Ryan sa mga boss ng Channel 2 sa desisyon niyang maging bahagi ng longest noontime show. Eh, paboritong panoorin din ng kanyang parents ang show na nakadagdag excitement sa TV host aktor. Kahit na nga pinigilan ng Dos na sumalang sa Bulaga nu'ng Sabado, wala rin silang nagawa sa desisyon ni Ryan dahil tanging ang sitcom nila ni Juday na George & Cecil ang commitment niya at hindi naman siya kontratado ng network bilang artist. Sa pagpasok ni Ryan sa EB, siya ang magsisilbing kapalit ng yumaong si Francis Magalona na Inglisero pero malakas ang hatak sa masa. Game din daw magsuot ng mga weird costumes at magdamit ng pambabae si Gaya last Saturday, biktima agad si Ryan sa Pinoy Henyo nang hindi mahulaan nina Mark Herras at Rainier Castillo ang sagot sa Pambansang Laro sa Telebisyon! Hayun nga at naligo agad si Ryan. Source: Abante |