Mar 21
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

SARAH AT KC, LALAMLAM ANG CAREER DAHIL KAY PIOLO! 'Unang Hirit' New Year Starters!

SARAH AT KC, LALAMLAM ANG CAREER DAHIL KAY PIOLO! 'Unang Hirit' New Year Starters!

Author: Alfie Lorenzo
Column: Star Nga Ba?

NAPASABAY pa kahapon sa Pista ng Mahal na Poong Nazareno ang New Year News Star­ters for 2009 ng “Unang Hirit” kaya kinapos kami ng oras for the full report, dahil tinutukan ni Arnold Clavio ang prusisyon ng Mahal na Ama na nagsimula sa Luneta.

Kaya kalahati lang ang nai-report namin tungkol sa mga showbiz happenings na magaganap sa taong ito.

Maraming nakatutok sa “Unang Hirit”, hindi lamang mga pangkaraniwang mga tao, fans, atbp., kundi meron ding mga intelligent ones like this texter na napanood ang announcement ni Susie Abrera about our guesting, kaya nag-text kaagad itong may # +639266712235 - “Guest po pala kayo sa Unang Hirit, pls, relay this message to Jolens, that very commendable ang proper decorum & demeanor niya (Jolens) in handling her break-up.”

Katabi namin si Jolina nu'ng pumasok ang text message na ito which we readily read to her.

“Ang ganda naman niyan, sinong nag-send?” tanong ni Jolens. Walang name, number lang.

Hindi pa raw sila nagkakausap ni Juday tungkol sa split nila ni Bebong.

Tatawagan daw niya ang kaibigan niya.

Nagsori naman ako kay Jolina nu'ng mag-guest kami nung Dec. 31 at may nabanggit nga akong, “Sina Jolens at Bebong wala pa nga” na hindi ko alam na naghiwalay na pala ang dalawa nu'ng December 24 pa man din, bisperas ng Pasko.

Ang sakit naman niyon.

“Well, talaga pong ganyan, parang sinasadya ang mga dumarating na hindi naman maiwasan,” ani Jolens na hindi kababakasan ng regrets sa nangyari sa lovelife niya.

Well, to ease her fee­lings, binasa namin ang aming report before we went on-the-air.

“True!” agree ni Jolens.

“Pero, karamihan naman ay parehong showbiz ang babae at lalake,” ani Jolens, na hindi naman showbiz ang ex-bf niya.

Then, we mentioned Sheryl Cruz' Norman Bus­tos na 'di naman show­biz, pero nag-split din.

“Ay, oo nga ano?” she agreed.

And after our report, muling nag-text samin ang number na ito:

+639266712235: - “Sana po kahit one season man lang ay try bigyan kayo ng Channel 7 or QTV-11 ng TV show, para maiba naman ay kasama or co-host si Jolens (very unlikely for others to happen), ang title ng show (variety talk and entertainment showbiz) ay “Sweet 'n Sour/Hot 'n Spicy.

Ang concept ay parang nagbibigay ng advice & opinion on any problem or topic. You will give the radical and maanghang na payo/opinyon, while Jolens will give the conventional/conservative comments.”

How bright ng suggestion. Pinag-uusapan na nga kung gusto kong mag-daily. Eh, 'di ba pati radio kinatamaran ko once a week lang 'yun? Kung kelan lang ako sipagin kasi at gusto ko ang gagawin ko - go!
***

Well before we started our report ay nagpa­sintabi muna kami sa mga tatamaan:

“Bago ko po simulan ang pagbasa nitong hawak ko, gusto ko lang pong iparating sa lahat ng mga pangalang mababanggit ko rito na walang personalan dito, kundi ito po ay paglalahad lamang ng mga katotohanang nangyari na, dahil na rin sa sarili ninyong kapabayaan o kapalarang sadyang itinakda para sa inyo na hindi ninyo naiwasan o naremedyuhang ganap!

“Magpasalamat na lang kayo sa Poong Maykapal na buhay pa kayo hanggang ngayon para madinig ito at mapanood ninyo ako! Ha! Ha! Ha! Ha!
Heto na ang reports:

1. Candidates for stardom: JC de Vera and survivor John Lopez na may anggulo na lalaking Sam Milby.

2. More concentration and enthusiasm for Joem Bascon and PBB grand winner Ejay Falcon.

3. The 3 D's for showbiz stardom: Devotion, Dedication and Drive.

Devote more time to aspiration, huwag 'yung ligaw-ligaw agad. Lahat ng gawin dapat dedicated sa goal to stardom. And the drive, dapat exhaust all possible venues.

Direk Joel Lamangan text us: Dapat more determination daw ang ika-apat na D's.

4. Goodluck and badluck comes in threes: Dingdong-Marian's “Marimar”, “Dyesebel” and upcoming “Ang Babaing Hinugot Sa Aking Tadyang” ay tatadyakan ang lahat ng makakatapat sa ratings! Maghinay-hinay lang on the 4th one. Mag-iba naman ng kapareha like Richard Gutierrez na hindi napirmi sa iisang leading lady sa lahat ng mga teleserye niya.

5. Rhian Ramos - Dapat sundan kaagad ang “Lalola” niya para hindi lumamig ang mainit na pagtanggap sa kanya ng publiko.

6. Dennis Trillo - Make up your mind Dennis, concentrate on your work.

Stop being a publicized unwed father. In my observation hindi pa matanggap ni Dennis na isa na siyang ama at tila hindi mahilig sa bata si Dennis. Unlike me na lapitin talaga ng mga bata kaya ako mismo hindi magkabata o syota! Ha! Ha! Ha!

7. Loveteam na mas sisikat: Sarah Geronimo and John Lloyd Cruz.
8. Lalamlam ang kasikatan nina Sarah at KC Concepcion pag itinambal kay Piolo Pascual. Minus factor si Piolo dahil ginagamit niya ang relihiyon niya (magiging missionary na lang daw siya pag hindi na artista. Oh yeah?) at anak kuno. May anak na ba siya talaga? Hindi ba sabi ng mismong ina ni Piolo and I quote: “Sabik na nga akong magkaapo kay PJ”. Bakit hindi alam ng nanay niya na may anak na pala siya na dinala pa sa Amerika? (ITUTULOY)

Source: Abante