Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

SHARON AT KIKO, NAAYOS ANG TAMPUHAN!

SHARON AT KIKO, NAAYOS ANG TAMPUHAN!

Author: Jun Nardo
Column: I Know Better!

EXCLUSIVE sa Eat Bulaga family, relatives at mga kaibigan ang birthday party ni Joey de Leon sa bahay nila sa Greenmeadows last Tuesday.

Super-sarap ang pagkain, at iba't ibang klase ng drinks ang pinagsawaan ng mga dumalo, huh!

Present siyempre ang Bulaga boss na si Mr. Tony Tuviera at asawang si Madz. Ganun din ang ka-comic troika niyang sina Tito at Vic Sotto.

With Tito around, si­yempre, hindi mawawala ang better half niyang si Helen Gamboa na hini­ngian talaga namin ng pahayag tungkol sa balitang hiwalay na ang pamangkin niyang si Sharon Cuneta sa asawang si Senator Kiko Pangilinan.

“Ay naku, muntik na pero hindi natuloy! Ha! Ha! Ha!” tugon niya sa aming kaswal na tanong bago siya umalis.

“It happens naman sa mag-asawa! Normal lang na may tampuhan ang dalawa. Naayos naman! Ikaw talaga, Jun!” sabi pa ni Helen.

Gustuhin man naming tanungin si Tito, paalis na sila kaya ang anak na si Ciara Sotto ang napagba­lingan namin dahil isa siya sa kasama ni Shawie sa Hong Kong.

Ano ba talaga ang ginawa nila sa Hong Kong?

“Shopping, pahinga, pasyal! Mainit nga!” sagot niya.

Ah, kaya pala na-burn out sila?

“Ay, hindi pala! Umuulan sa Hong Kong! Ha! Ha! Ha! Mommy!” hirit niya, sabay tawag kay Ma'am Malou Choa Fagar na mommy ang tawag.

Hinayaan muna naming kumawala si Ciara sa paligid namin. Naki-join muna kami sa ilang guests gaya ng Eat Bulaga family ni Joey na sina Pia Guanio, Allan K, Jose at Wally, Julia Clarete, Jimmy Santos, Michael V., Toni Rose Gayda, Ruby Rodriguez at Pauleen Luna.

Siyempre, present ang mga anak ni Joey kay Daria Ramirez na sina Cheenee, kasama ang tatlong anak, at si Keempee de Leon.

One big family talaga sila sa anak ng daddy nila kay Eileen Macapagal na sina Jako at Jokas de Leon.

Present din ang Bulaga director na si Poochie Rivera at executive producer na si Grace Esquillon, pati na ang ilang tomboy na staff ng show.

Dumalo rin si Butch Francisco na ka-join ni Joey sa Startalk at si Mel Tiangco ng Mel & Joey.

Siyempre, inintriga namin si Mel sa pagdating niya na mag-isa sa party.

“Naku, Jun, panay trabaho na lang ako ngayon. Kasi, sabi ni Joey, hangga't kaya ko pang magtrabaho, sige lang nang sige dahil kapag wala na 'yan, wala ka nang magagawa!” tugon niya.

Pero gaya ng ordinaryong tao, sabik ding makakuha ng impormas­yon si Tita Mel sa latest sa showbiz tsika. Although meron din siyang alam, pinadagdagan niya ang kaalaman niya sa amin.

Siya rin kasi ay biktima ng pangit na mga write-ups sa mga detractors niya.

“Pati ako nasusulat din kahit blind item. Ang tsismis nga sa akin, fake ang mga alahas na sinusuot ko! Naku, ipakain ko pa ang alahas ko sa kanya para malaman niyang hindi 'yun fake, 'no!” mataray niyang pahayag.

After ng tsikahang 'yon with Tita Mel, si­yempre, drink galore uli kami at muling pinagdiskitahan si Ciara.

Ano ba talaga ang masasabi niya sa tsismis sa Ate Shawie niya?

“Hindi naman totoo 'yon! Talagang naka-schedule siyang pumunta ng Hong Kong!” sagot na naman ni Ciara.

Ikinuwento rin ni Ciara na nakatakdang magbakasyon next week sina Sharon at Kiko. Para ngang second o third honeymoon nila `yon.

“Magku-cruise silang mag-asawa next week,” say pa ni Ciara.

Ano 'yung nangyari sa Senate anniversary?

“Hindi naman siya nag-rehearse doon. Never naman siyang pumunta sa Senate activities. Hindi sila hiwalay,” pagdidiin niya.

Nang si Joey ang aming tanungin sa kaalaman niya sa isyu, sagot niya, “Mag-enjoy na lang tayong lahat! Cheers!”

Super-enjoy ngang lahat ang naiwang bisita ni Joey kabilang na kami. At nakakaloka, dahil nangawit talaga ang mga kamay ko at balikat sa ipinabaon nilang mag-asawa sa aming alak at pagkain.

Happy, happy birthday, Joey!
***

Ngayong gabi na ang Bloom concert ni Lovi sa Music Museum. Bubusugin kayo ni Lovi sa mapang-akit niyang kasuotan sa gabing ito pati na sa magagandang kanta na pagsasaluhan ng mga guests niyang sina Ogie Alcasid, Dennis Trillo, Jan Nieto, Aljur Abrenica at marami pang iba.

Tiyak ding manonood si Jolo Revillla at ang mother ni Lovi na si Rowena Moran. Ano kaya ang mangyayari sa pagtatagpo nila?

Source: Abante