|
|
| SIGE, IKEMBOT MO! IGILING MO PAH!![]() Author: Alfie Lorenzo Production design pa lang nang pinagdausan ng presscon ng Marimar, ng GMA-7, nagustuhan na namin agad. Mexican man ang tema ng istorya, pero Hawaiian ang naging drama sa paligid, with matching taga-tambol pa, kaya tuloy parang luau ang party. Everytime na dumadalo kami sa imbitasyon ng mga bagong shows ng GMA-7, sadyang enjoy kami sa importansyang ibinibigay nila sa bagong produksyon nila and in full regalia pa ang lahat ng characters, kaya enjoy pati na mga reporters na dumadalo rin. Eh, bakit �yang iba riyan, kung magdaos ng presscon halos lihim at pabulong ang imbitasyon, kaya madaling magsitakas ang mga naabutan na ng press kits. Ilang magagandang teleserye na ba �yan ng GMA-7 na presscon pa lang may ideya ka na kung anong mapapanood ng publiko - no wonder they�re such a hit among televiewers. Mulawin, Encantadia, Asian Treasures, ilan lang �yan sa mga kinaaliwan namin na presscon na dinaluhan namin. Pati nga �yung "StarStruck, nila kumpleto ang stage and production design. Tumabi nga sa upuan namin ang isa sa big bossing ng GMA-7 na si Wilma Galvante. But we never talked about Angel Locsin. Tama nga naman �yun, she�s not much of a loss - but look at their gains now, si Marian Rivera na for a while overlooked sa GMA-7 at papel ng ina ang naibibigay sa dalaga, who soon emerged as the lovely Pinay Marimar. Such transformation. Buti na lang bago nag-ober da bakod ang dalaga ay nakita na ang potential nito para maging big star at madebelop nang husto ang iba pa nitong talento. Sa movements pa lang ng Marian Rivera na ito, tiyak na magreretiro na nga si Thalia, ang orig na Marimar, na pinataob ng "Esperanza" ni Juday noon. Aba, kung sa anyo at development ni Juday ngayon na mas seksi pa kay Thalia, kung ngayon gagawin ang tapatan, eh tiyak na kakain ng buhangin at alikabok ang Thalia na �yan, noh! So let�s welcome another sensational star in Marian Rivera! Yeah, ikembot mo Marian! Ikembot mo! Igiling mo pah! And with the presence of Mexican-goodlooking leading men the likes of Richard Gomez, Jestoni Alarcon and Dingdong Dantes, panalo na �yang "Marimar" na �yan, Julie Ann Benitez! Naalala ko tuloy nung nasa Mexico City ako at kumakain sa isang class na restaurant, at laking gulat ko nung ang waiter na nagsilbi sa akin ay deadringer ni Jestoni Alarcon, ha! Paglapit nito ay �napa-Jestoni?� tuloy ako na sinagot ng loko na "komo?" Muntik ko na ngang ma-take home kung off na lang siya ng mga oras na yun. Ganyan kasi ang mga lalake sa Mexico, parang mga Pinoy guys din na madaling "imbitahan". Baka doon namana ng mga kalalakihan natin ang "landi" sa sex. And with Goma, Jestoni and Dingdong nga, we�re in for a lot of sexy scenes diyan sa Pinoy "Marimar. Abangan natin �yan! Sa Lunes na, Agosto 13 - birthday presentation ng GMA-7 para sa Papa Gabby (Lopez) ko ng karibal na network! Happy birthday my Papa Gabby! Sana nga totoo kang happy sa birthday mo, ha! *** Let me quote a write up from one of our few intelligent movie journalist, si Coyang Nestor Cuartero, entertainment editor ng Tempo: "Ms. Becky Aguila wondered aloud how and why all the bad publicities against Angel (Locsin) had been coming out consistently since GMA learned the actress was no longer signing with them, blah, blah...." Dapat pa nga magpasalamat si Becky dahil� kung hindi dahil doon ay wala sana siya sa harap ng mga reporters in a grandiose presscon, no PAMI member ever experienced! Ang ipinagsisintir nga lang namin Tita Cory Vidanes, no such damage control was given to Judy Ann Santos who has stayed foot with ABS-CBN for 20 years and yet heto, heto... ang isang lilipat pa lang sa network that Judy Ann helped built in steady footing eh manager pa lang binibigyan na ng grandiose presscon to correct whatever! We can just imagine what grandiose welcome ABS-CBN would throw for Angel Locsin when she has studied her "script" well and what to feed the hungry press! Hindi pa nga nakakalipat si Angel Locsin, �yung ibang talents ni Becky Aguila ay tila may kanya-kanya ng paglalagyan sa ABS-CBN. And Angel Locsin has even contributed a cent to the coffers of ABS-CBN, huh! Eh, kami may iba ba kaming talents na inaalagaan din ng Dos? Tulad ni Valerie Concepcion na dalagang-ina na nga mesmerized pa sa kanya si Willie Revillame? Wow naman, Willie! Maikukumpara ba si Valerie sa talent naming si Lito Pimentel na Urian awardee pa mandin for good acting? Pero si Pimentel ay paekstra-ekstra na lang sa teleserye ni Juday! Ganoon din ang kuya ni Juday na si Jeffrey Santos. Iniyak na ni Juday ang kuya niya kina Malou Santos at Cory Vidanes na bigyan din naman ng trabaho sa Dos. Pero ang hinaing fell on deaf ears lang. Pinabahala raw kay Deo Endrinal ang kapalaran ni Jepoy. But Jepoy is not as lucky as Diether Ocampo you see. Gayong nung mga panahong nasa Regal films pa sina Charo at Malou Santos at nawala na roon at nag-produce ng sarili nilang movies, eh paborito nilang leading man ni Carmina Villarroel ang kuya ni Juday na si Jeffrey Santos! Anak si Jeffrey ni Vilma Santos sa "Kapag Langit ang Humatol" hindebah? Doon pa lang at noon pa lang uso na �yung kuwentong ipagpapalit ang anak o ang batang isinilang. Nanganak ang ikinulong sa garahe na Vilma Santos at ang baby niya ay ipinagpalit ni Gloria Romero sa kaninong baby pa. Teka, �yan ngayon ang plot ng karamihan sa mga dramaserye ng Dos, ah. Doon kaya galing ang ideya, Malou Santos? At teka nga pala, bakit hindi pa nare-rewind ang plot ng kuwento ng "Kapag Langit Ang Humatol"? Diyan lang umiikot ang what we didn�t get but being given to undeserving yet. Dapat lang na ang nagsilbi na ang siyang makinabang for whatever, ani meron ang kumpanya, hindi �yung mga lilipat pa lang at manginginain pa lang ang bibigyan ng silver platter and gold spoon! Prove their worth first before handing out the trophy, tama ba Mr. Mario Hernando and Butch Francisco ng Urian Awards? Saan ba isinisilang ang reklamo ni Becky Aguila kundi sa pagkakamali ng iba? Sana ang pairalin sa mundong ito eh yung "amor con amor se paga" - ganoon lang �yun. But who ever practiced this? Source: Abante |