Mar 18
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

SUNSHINE AT ANGELIKA, TULOY ANG AWAY!

SUNSHINE AT ANGELIKA, TULOY ANG AWAY!

Author: Rey Pumaloy

Ipinagdarasal ni Sunshine Dizon na matuloy ang plano niyang pagkuha ng 12 sessions culinary art course sa isang culinary school sa Pasig.

Sabi ni Sunshine, kahit noon ay hilig na hilig na niya ang pagluluto. At plano nga niya na magtayo rin ng isang restoran.

Inalis na nga ni Sunshine sa isip niya na ipagpatuloy ang pag-aaral ng Business Marketing course sa St. Benilde, at pati na rin ang pag-aaral sa Amerika.

Pero, kung hindi raw pagbibigyan ang hi­ling niya na magpahinga muna sa pag-arte para makapag-aral, okey na rin sa kanya.

Sabi nga niya, showbiz pa rin ang priority niya.

Anyway, isa si Sunshine sa nagulat sa maagang pagbubuntis ni Jennylyn Mercado. Magkasama nga sila sa La Vendetta ng GMA 7.

“Well, nasurpresa talaga ako when I heard about it. Wala kaming suspetsa na may mangyayaring ganun. Anyway, Wish Ko Lang na sana okey siya, na mas maging masaya siya.

“Kung tutuusin, blessing ang pagbubuntis niya. Kung sa akin mangyayari `yon, I'll be proud.

“Pero sana, kung mangyayari `yon sa akin, `yung handa na talaga ako.

“Babae rin ako. Who knows, baka maging nanay rin akong bigla. Pero, thankful ako na hindi ako nalagay sa ganung sitwasyon,” say ni Sunshine.

Giit pa ni Sunshine, wala siyang kaideya-ideya na mapapaaga ang pagbubuntis ni Jennylyn. Tahimik lang daw kasi si Jennylyn sa taping ng La Vendetta.

Nagpapasalamat din si Sunshine sa nanay niya na parating nagpapaalala sa kanya na career muna at huwag puro pag-ibig ang ilagay sa utak.

“Si mommy kasi, parating nandiyan para pagsabihan ako, na dapat magsawa muna ako sa pagiging dalaga ko, na gawin ko muna lahat ng dapat kong gawin habang single pa ako.

“So, parati kong inilalagay sa utak ko `yon. At thankful ako, dahil marami akong trabaho.

“And ako kasi, palagi namang career ang inuuna ko. Alam ko na mahigpit ang competition dito sa showbiz, na kapag pinabayaan mo, baka mapunta sa iba.

“So, sabi ko sa sarili ko, habang nandiyan pa ang mga pro­jects na ibinibigay sa akin ng GMA, magtatrabaho muna ako.

“Atsaka, marami pa akong gustong gawin sa buhay ko. Like, gusto ko ngang magtayo ng restaurant at mag-aral magluto.

So, focus muna ako sa mga gusto kong gawin,” pahayag pa rin ni Sunshine.

Source: Abante