|
|
| SUPLADO!Author: Nitz Miralles SA presscon ng isang pelikulang malapit nang ipalabas, walang nag-i-interview sa actor na kasama sa cast. Siya lang ang walang kausap na press nang aming makita at mag-isa sa kanyang puwesto. 'Yun pala, iniwasan talaga siyang interbyuhin ng showbiz writers dahil narinig na nag-dialogue ng "I'm sick and tired of answering the same questions. " Suplado! To think na hindi siya ang bida ng movie, ha. Ang hindi nito alam, ikinalat ng nakarinig sa ibang press ang sinabi niya, kaya hindi na siya ininterbyu. Nang makita namin, kunwari ay busy ito sa pagti-text at pagkalikot ng cellphone. Kasi naman! * * * TODAY ang alis ni Glaiza de Castro for Batanes para sa shooting ng Batanes: Sa Dulo ng Walang Hanggan, kung saan bida sina Iza Calzado at Ken Zhu ng F4. Sa October 23 na ang balik niya, kaya nagpaalam sa Boys Nxt Door dahil two weeks siyang absent sa taping. Dobleng tuwa ni Glaiza sa pagkakasama sa movie dahil idol niya si Iza at sister nito ang role niya. Favorite rin niya ang F4. Excited na itong makita si Ken, na second favorite niya sa grupo after Vic Zhou. Sina Adolf Alix Jr. at Dace Hukom ng Ignitie Films ang director ng Batanes. Sa November, sisimulan ni Glaiza ang shooting ng Rakenrol sa ilalim ng direksyon ni Quark Henares. Kasama niya rito sina Ketchup Eusebio, Alwyn Uytingco, Jason Abalos at Diether Ocampo. Excited kami sa project dahil mala-Almost Famous daw, one of our favorite movies. Samantala, kilig-kiligan na ang love story nina Sari (Glaiza) at Buboy (Marky Cielo) sa second season ng BND. Nagkaka-debelopan naman sina Summer (Jennica Garcia) at Atom (Mart Escudero) at open na sina Coffee (Kris Bernal) at Migs (Aljur Abrenica) sa kanilang relasyon. Sina Winona (Rich Asuncion) at Dec Dec (Kiko Junio) ang may problema dahil dumating si Peter (Paulo Avelino, ex ni Winona) at guguluhin sila. * * * OKEY lang kay Frank Garcia kung magkakabalikan sina Polo Ravales at ang ex niyang si Sunshine Dizon dahil pareho niyang friend ang dalawa at kasama pa sa Boyz. com ang actor. Saka, naunang nagkarelasyon sina Sunshine at Polo. May chance na rin sana si Polo na muling ligawan si Sunshine dahil magkasama sila sa La Vendetta, pero nali-link siya sa iba't ibang babae, gaya ni Carla Humphries, na nakitang kasama niya sa Trinoma kamakailan. Nalungkot ito nang malamang sina Sunshine at Jojo Manlongat na ngayon, paano nga naman siya puporma kung into a relationship ang babaing gusto niyang balikan? Busy ang last quarter ng 2007 kay Polo dahil bukod sa La Vendetta ng GMA-7, may Manay Po 2 (Three Gays and a Baby) pa siya sa Regal at naghahanda sa Oct. 20 show ng Boyz. com sa Klownz, Angeles City sa Pampanga, at sa Zirkoh, Timog sa Oct. 27. Sayaw, kanta at pagtugtog ng gitara ang ipakikita niya sa manonood sa kanila. * * * SAMA-SAMA sina Nolyn Cabahug, his sister Lisa Cabahug, Eric Cruz (EVP of F. F. Cruz Co. ) at Dyords Javier sa fund-raising concert, billed as Halad, para sa restoration ng church and convent sa Molo, Iloilo City. Kasama nila ang Music Unlimited Ensemble under Socorro Villaflor. Ang Iloilo Integrated Lions Club at St. Anne Parish Council ang nasa likod ng concert na gaganapin sa St. Anne Parish Church sa October 12. Parts of the proceed wil be used for the operation of seventh-month-old Clark James Belgira na may congenital hydrocephalus. Ang Molo Church ay 166-year-old and the only church outside Metro Manila na may gothic renaissance architecture. Sayang kung 'di maaayos ang mga sira nito. * * * IPINAKILALA si Sam Concepcion bilang bagong spokesperson ng Department of Education sa katatapos na National Leadership Training for Student Government Offices sa Baguio City. Ang wholesome image at pagbibigay halaga sa pag-aaral ang rason sa pagkakapili sa kanyang maging spokesperson. "Malaking karangalan at responsibilidad ang ibinigay sa akin ng DepEd at makaaasa silang gagawin ko ang lahat para malaman ng kabataan na ang edukasyon ang susi sa pag-unlad nating lahat," pangako ni Sam. Bilang spokesperson, pangungunahan ni Sam ang isang national school tour na SAMa SAMa sa Eskwela at makakaharap niya ang 10 million kabataan sa buong bansa. Join din siya sa different government companies para ipaalam sa lahat ang halaga ng edukasyon. Source: People's Tonight |